top of page
Search
BULGAR

Buwis sa tabako ng Pilipinas lampas na sa tamang antas, ayon sa ekonomista

ni Chit Luna @News | Dec. 6, 2024





Nagbabala ang isang nangungunang economist sa Estados Unidos na umabot na sa “prohibitive range” ang antas ng excise tax ng tabako ng Pilipinas, at ito ang dahilan ng pagbaba ng kitang gobyerno.


Ayon kay Dr. Arthur Laffer, founder ng Laffer Associates, isang economic research at consulting firm sa America, tila lumampas na ang antas ng buwis sa tabako sa Pilipinas sa tinatawag na “prohibitive range”.


Ito ay batay sa karanasan ng Pilipinas kung saan ang pagtaas ng buwis sa tabako ay sinundan na pagbaba ng kita ng gobyerno.


Si Laffer, isang dating miyembro ng Economic Policy Advisory Board ni Pangulong Ronald Reagan, ay kilala sa tintatawag na Laffer Curve, na naglalarawan sa kaugnayan ng buwis at kita ng gobyerno.


Ipinaliwanag niya na batay sa Laffer Curve, ang kita sa buwis ay tumataas kasabay ng pagtaas ng buwis hanggang sa maabot ang pinakamataas na lebel. Pagkatapos maabot ito, ang anomang karagdagang pagtaas sa buwis ay nagreresulta sa pagbaba ng koleksyon.


Iminungkahi ni Laffer na dapat gumawa ng mga hakbang ang gobyerno para i-realign ang antas ng buwis sa tabako para maabot ang pinakamataas na kita. Aniya, ang karagdagang pagtaas ng buwis ay hindi kailanman isang makatwirang solusyon sa pagkawala ng kita.


Ipinaliwanag ni Laffer na ang mga pagbabago sa antas ng buwis ay may epekto sa ekonomiya. Ang mas mababang antas ng buwis ay nagbibigay ng karagdagang produksyon, trabaho at pagkonsumo, na nagpapataas naman sa koleksyon ng buwis.


Sa Pilipinas, ang sunud-sunod na pagtaas ng buwis sa tabakoay tila lumampas na sa punto ng pag-maximize ng kita batay sa Laffer Curve, at ang anumang karagdagang pagtaas ay malamang na magreresulta sa pagbaba ng kita at pagtaas ng ipinagbabawal na kalakalan, aniya.


Nagbabala si Laffer na ang mataas na antas ng buwis ay maaaring magtulak sa illegal na bentahan o pagpupuslit ng mga kalakal.


Ayon kay Laffer, kapag ang isang kalakal ay nagging masyadong mahal para sa mga mamimili dahil sa pagbubuwis, babawasan nila ang pagkonsumo ng kalakal na iyon o tataas ang pagkonsumo ng mga ipinagbabawal na kalakal na mas mura ang halaga.


Binanggit din ni Laffer ang likas na katangian ng tabako bilang isang kalakal, kasama ng iba't ibang istraktura ng presyo at buwis sa iba't ibang bansa o rehiyon.


Aniya, dapat timbangin ng Pilipinas ang potensyal na epektong pagtaas ng buwis laban sa posibilidad na pagtaas ng bawal nakalakalan.


Pinuri ni Laffer ang pagsisikap ng Pilipinas na pasimplehin ang sistema ng buwis sa tabako, ngunit nagbabala siya laban sa labis na pagtaas ng buwis.


Dahil sa pagbaba ng kita sa buwis at paglago sa illegal na kalakalan ng tabako, oras na para muling suriin ng pamahalaan ang pinakamainam na antas ng buwis sa sigarilyo, wika niya.


Pinuri rin ni Laffer ang diskarte ng Pilipinas sa pagbubuwis sa mga bagong produktong tabako at nikotina tulad ng heated tobacco at nicotine pouch. Gayunpaman, hinimok niya ang gobyerno na pasimplehin ang istraktura ng buwis nito para sa e-cigarettes.


Ang e-cigarette ay binubuwisan sa ilalim ng dalawang antas na sistema sa Pilipinas, na humahantong sa problema sa pagpapatupad. Ang pagpapatupad ng parehong buwis ay isang agarang prayoridad, ayon kay Laffer.


Nagsusulong si Laffer para sa isang sistema ng buwis na nagpapataas ng kinakailangang kita habang pinapaliit ang pinsala sa ekonomiya.


Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng base ng buwis at pagbaba ng antas ng buwis, maaaring palakasin ng Pilipinas ang koleksyon nang hindi nalalagay sa alanganin ang paglago ng ekonomiya, aniya.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page