ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | September 01, 2021
Nakaka-tatlong hearing na ang Senate Blue Ribbon Committee para busisiin ang isyu ng overpriced na mga facemask at face shield na binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM. Pero, malabo pa rin kung ano talaga ang dahilan kung bakit mahal ang pagkakabili nito?
Biruin n’yo naman, P27 ang kada piraso ng facemask na pagkakabili ng PS-DBM habang P120 naman sa bawat piraso ng face shield gayung may nabibiling P2 sa kada piraso ng facemask at P10-P20 naman sa face shield. Juicekolord ang laki talaga ng diperensiya!
Pero, ang nakakaimbyerna, paulit-ulit ang katwiran na may emergency kuno at dahil sa law of supply and demand na kung gipit and supply at maraming gustong bumili ay tumataas ang presyo sa pagbenta. Naku, may butas ang katwirang ‘yan, partikular na sa face shield!
FYI, ang Pilipinas lang ang gumagamit ng face shield na compulsory, ha? So, hindi maikakatuwiran na tumaas ‘yan dahil in-demand sa buong mundo! Duh!
Ang tanong natin, ano ba talaga ang dahilan ng overpriced na facemask at face shield na ‘yan?! Hmmm... I really smell something fishy! Biruin n’yo naman kasi kung bakit pa kayo sa abroad bumili, ‘di ba? Nagsumikap na nga ang ating mga garment factory na isantabi muna ang paggawa ng damit, gumastos pa para masuplayan ang sinasabi ninyong shortage ng mga facemask. Eh, anyare? Bakit hindi kayo sa kanila bumili? Naku, paki-explain nga ‘yan, PS-DBM?
Isa pa, malaking tanong sa atin, bakit ipinasa ng Department of Health ang malaking pondong P42 bilyon sa PS-DBM para sila ang mag-bid at bumili? At masaklap, nakabili na nga ang PS-DBM, pero ibinalik sa DOH at ibinebenta raw? Eh, umaangal ang mga LGUs, dapat libre na ang supply sa kanila, pero bakit kailangan nilang bilhin? Ano ‘yun?
Dahil d’yan, ‘yun, nakatengga na lang sa kanilang bodega ang mga imported PPEs at walang gustong bumili sa mahal ng presyo. Mind you, kuwestiyunable pa ang mga kinuhang tatlong supplier d’yan ng PS-DBM, ha? ‘Yung isang supplier ang negosyo ay nasa construction, tapos biglang naging medical na? OMG!
Hay naku! Kaya ang mga IMEEsolusyon d’yan, balikan ang National Procurement Law at kung tayo lang ang masusunod, buwagin na ang PS-DBM na ‘yan. Agree?
Comments