top of page
Search

Butler at Hield matatag, Bronny James, naka-17 pts.

BULGAR

ni Anthony E. Servinio @Sports | Mar. 22, 2025



Photo: Buddy Hield at Jimmy Butler III / IG Golden State Warriors / NBA


Nagtala ng triple-double si Jimmy Butler III at wagi ang Golden State Warriors sa Toronto Raptors, 117-114, sa NBA kahapon sa Chase Center. Binahiran ng Chicago Bulls ang gabi ng dati nilang manlalaro DeMar DeRozan at nanalo sa Sacramento Kings, 128-116. 

      

Lumabas at hindi na bumalik si Stephen Curry dahil nagkaroon ng pasa sa kanyang balakang at 3:24 sa pangatlong quarter. Lamang ang Raptors, 88-83, pero humabol ang GSW at naging matatag sina Butler at Buddy Hield sa mga free throw sa huling 16 segundo para mapigil ang mga banta ng Toronto.

      

Nagsumite si Butler ng 16 puntos, 11 rebound at 12 assist at tagumpay ang GSW ng siyam sa huling 10 laro. Nanguna si Draymond Green na may 21 habang 17 si Curry kahit maagang umupo. Nagtala ng 19 si DeRozan para maging ika-27 manlalaro na may 25,000 puntos at ginawa niya ito laban sa kanyang koponan mula 2021 hanggang 2024 kung saan ginawa niya ang 5,831 nito. Hawak ng Kings ang bentahe, 103-102, at humataw palayo ang Bulls sa huling walong minuto. 

        

Bumuhos ng 16 ng kanyang 35 sa huling quarter si Coby White. Tumulong sina Kevin Huerter na may 25 buhat sa limang three-points at Nikola Vucevic na may 24 at 14 rebound. 

      

Samantala, gumawa ng bagong personal na marka na 17 puntos si Bronny James pero hindi ito sapat at nanaig ang Milwaukee Bucks sa kanyang Los Angeles Lakers, 118-89.  Naglaro ang Lakers na wala ang  ama na si LeBron James, Rui Hachimura, Austin Reaves at Luka Doncic. 

       

 Bumanat ng 28 si Giannis Antetokounmpo habang 23 si Gary Trent Jr. at 20 kay dating Lakers Kyle Kuzma. Bunga ng talo ng Lakers, bumaba sila sa 43-26 at nakakasiguro na ang nagpapahingang Oklahoma City Thunder (57-12) na magtatapos na numero uno sa Western Conference. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page