POKWANG, NAPAIYAK SA PRESSCON DAHIL ISA SA MGA UNANG TINANGGAL SA DOS
ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 23, 2020
Nagulat ang mga katabi ni Pokwang na sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola nang bigla na lang nag-crylulu, as if crying in the chapel, ang komedyanang si Pokwang sa Zoom mediacon ng bagong game show ng TV5, ang Fill in The Bank.
Hindi kasi naiwasan ni Pokwang na maalala ang pag-suspend ng kanyang kontrata sa ABS-CBN nang tuluyan nang naisara ang Channel 2 ilang buwan na ang nakararaan.
Siya raw kasi ang pinakaunang artista sa ABS-CBN na sinabihang wala na siyang kontrata na naging dahilan upang maging maagap siya at nakapaghanap agad ng ibang trabaho.
“Dahil maaga po nila akong sinabihan, maaga po akong nakapag-decide, nakapag-isip para po sa pamilya ko.
“Kasi hindi po ako puwedeng huminto. Hindi po ako puwedeng ngumanga. Marami pong umaasa sa akin.
“Sa isang banda, hindi ko po dapat ikatampo ‘yun…
“At least, maaga akong nasabihan, maaga ko pong naihanda ‘yung sarili ko, maaga ko pong naisalba ‘yung pamilya ko,” ang lumuluha na niyang kuwento.
As of the moment ay may dalawang bagong programang ipinrodyus ang Cignal Entertainment at Archangel Media, Inc. para sa TV5 kung saan host si Pokwang.
Si Powkie ay host ng game show na Fill in the Bank kasama si Jose Manalo at isa rin siya sa mga hosts ng talk show na Chika Besh! kasama sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.
Ang Fill in the Bank ay napapanood tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 7:30 PM at ang Chika Besh naman ay tuwing alas-diyes ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Dahil sa mga blessings na natatanggap ni Pokwang sa gitna ng pandemya ay walang tigil siyang nagpasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanya.
“Thank you po talaga sa APT and Archangel Production na nagbukas ng pintuan nila. Buti na lang at may sumalo agad sa akin. God is good all the time, Pokwang! 'Yun na!
“Pero hindi mawawala siyempre kung ano ‘yung nagawa sa akin ng ABS, sobrang thank you po talaga,” sabi pa ng komedyana.
Aminado naman si Pokwang na may mga kasamahan siyang artista na hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho ngunit suportado naman siya sa kung anuman ang nangyayari sa career niya ngayon.
“Naintindihan nila ako nang sobra. Very thankful ako at napaka-supportive nila kung saan man ako ngayon,” say pa niya.
God is good all the time, Pokwang!
留言