top of page
Search
BULGAR

Business owners, umapelang taasan ang operating capacity sa Alert Level 3

ni Jasmin Joy Evangelista | October 14, 2021



Umaapela ang maraming business owners dahil malabo raw na makabangon ang maraming negosyo sa 30 percent capacity na pinapayagan sa Alert Level 3.


Hiling nila, taasan ito para makabawi naman bago mag-Pasko.


Giit ng Employers Confederation of the Philippines, walang negosyong makakabawi sa 30 percent na operational capacity kaya dapat itong itaas sa 70 percent.


"Sabi by Christmas sasaya, eh, paano ka sasaya kung ganyan-ganyan lang? Ngayon pa lang gawin nang 70 percent, talagang there is a risk in it, pero sagot sa risk pagbutihin natin ang hospital facilities natin," ani ECOP president Sergio Ortiz Luis.


Sang-ayon naman sa 70 percent capacity ang grupo ng restaurant owners.


"Many will not recover if we delay one more day. Sabi ko nga it’s just a matter of reducing the casualty sa restaurant industry," sabi ni Eric Teng ng Resto PH.


Samantala, ang Alert Level 3 sa Metro Manila ay tatafal hanggang katapusan ng Oktubre.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page