top of page
Search
BULGAR

Buntis, Sharon?! KC, IKAKASAL NA IN 9 MONTHS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 2, 2022



Isa si KC Concepcion sa mga Pinoy celebrities na nanood ng 40th anniversary concert ni Martin Nievera na ginanap sa Walt Disney Concert Hall sa LA, USA last Sunday.


Nakorner ang Mega daughter after ng concert at nakunan ng ilang pahayag hinggil sa update ng Hollywood movie niyang ginawa sa New York with Filipino-American actor Dante Basco at director-producer Jhett Tolentino.


Ani KC, baka raw by January na maipalabas ang movie. May plano raw i-submit ng producer sa festival sa US ang kanilang pelikula.


Five months na nag-stay sa New York si KC because of the movie. And after that, lumipat siya sa LA kung saan naroroon ang kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta.


Nakapag-bonding ang mag-ina nang halos tatlong linggo.


Kaya ang mga Marites na nagsasabing may gap ang mag-ina, tumigil na sa murmuring.


Ayon pa kay KC, saksi siya kung paano dinamdam nang husto ng ina ang pagpanaw ng kaibigan nitong aktres na si Cherie Gil.


“We love Tita Cherie. We love her and her family. She loved my mom very much. Na-trauma siya kasi one of her good friends, nawala, eh, mommy ko, full of life, masaya lagi. She was really very sad,” lahad ni KC.


This week ay babalik na umano ng 'Pinas si KC para maka-attend sa 18th birthday ng sister niyang si Miel.


Inamin din niyang nasorpresa siya sa pag-come out ni Miel na isa siyang queer two months ago.


“I didn't know about it, I found out like everyone else. After that, I just talked to mom and to dad and sabi ko lang, kung saan siya happy, kung saan siya masaya, we’ll support her.”


Naitanong din sa actress-entrepreneur ang kanyang love life at kung totoong may relasyon sila ni Apl.de.ap ng BlackEyed Peas.


Sagot niya, mahirap daw makipag-date sa States.


"Minsan, akala mo serious, ‘yun pala, casual lang pala. I’m in my '30s. I’m not going to lie, I definitely take relationships more seriously now. Tapos I dream na one day, ako naman ang ikakasal, kasi ikinasal na ‘yung sister ko sa Sweden. My gosh, naunahan pa ako!”

Kaya biro pa ni KC, kailangan daw, in 9 months, kasal na siya.


Sey naman ng interviewer, 'di raw kaya matsismis siya na preggy kung in nine months ay pakakasal na siya?


“Huy, guys, ang tagal n'yo nang issue ‘yan, ha? Ang dami ko nang supposedly nabuntis, pero hindi talaga."


Regarding naman daw kay Apl.de.Ap., "Hindi, hindi naging kami. Very close kami, I love the guy. I respect him, I admire him. Pinapatawa niya ako nang sobra. Mabait siya sa akin. Hindi naman, he’s very busy with work as well. Whatever will be, will be. No, hindi kami,” pagtatapos ni KC.



0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page