ni Lolet Abania | March 25, 2021

Maaari pa ring ipagpatuloy ng mga nanay ang kanilang pagpapa-breastfeed sa kanilang mga sanggol kahit pa nagpositibo sila sa test sa COVID-19 o mayroong mild symptoms, ayon sa isang doktor na miyembro ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19.
Ayon kay Dr. Mianne Silvestre, kinakailangan lamang ng isang Covid -positive at symptomatic na ina na magsagawa ng mga preventive measures gaya ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, pag-disinfect ng mga nasa paligid niya, at iwasan ang umubo o ubuhan ang anumang parte ng katawan lalo na ang bahaging nahahawakan ang kanyang sanggol.
“Yes, even if you’re COVID-positive or have mild symptoms, puwede pa rin talaga and dapat actually i-breastfeed ‘yung baby and for the same reason na baka nata-transmit ‘yung antibody sa baby, all the more na ‘wag dapat hiwalayin po,” ani Silvestre sa isang briefing ngayong Huwebes.
“Breast milk itself has not been demonstrated to transmit the virus… The transmission is still the same as us, respiratory, aerosols, and droplets,” dagdag pa ng doktora.
Binanggit din ni Silvestre ang tungkol sa ilang statements ng mga eksperto na ang mga buntis at breastfeeding women ay maaaring magpabakuna ng COVID-19 vaccine matapos na kumonsulta sa kanilang mga doctor.
Batay sa inilabas na pahayag ng Philippine Pediatric Society, ang lahat ng COVID-19 vaccines ay maaaring ibigay sa mga nagpapasusong ina matapos na makausap ang kanilang mga doktor, at hindi kailangang ihinto o iwasan ang pagpapa-breastfeed makaraang mabakunahan.
“There is very early evidence suggesting a large potential benefit of a vaccinated mother who breastfeeds passing on antibodies against the COVID-19 virus to her infant,” ani Silvestre.
“Whether or not the level of antibodies in breast milk is sufficient to actually protect the baby against Covid, we still don’t know. This is very preliminary,” sabi pa niya.
Samantala, mahigit sa 500,000 mamamayan na ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine hanggang nitong Marso 23.
留言