ni Ambet Nabus @Let's See | June 18, 2024
Sa mga naglabasang posts tungkol sa pagbubuntis ni Ria Atayde-Marudo, maraming netizens ang nagsabing kahit anong pagtatago pa ang gawin, lalabas at lalabas din daw ang totoo.
Sa maraming pagkakataon kasing naitanong ito sa aktres, wala talaga itong sinabi. May pagkakataon pang ang nakababata niyang kapatid ang nag-deny tungkol dito.
Wala namang problema lalo’t kasal na siya kay Zanjoe, pero ipinagtataka pa rin ng marami kung bakit tila nais itong itago ni Ria?
Well, choice at right naman nila 'yun, though sa mundo kasi ng showbiz, nagiging intriga at iskandalo ang isang isyu kapag dumededma o nonchalant (nonchalant daw, oh) ang mga sangkot and yet, obvious naman ang sitwasyon.
Kaya sa sinabi ni Ria na ‘they do not owe anybody the announcement,’ siyempre pa, haharapin na lang nila ang bashing at reactions ng mga tao.
Ang balita, this September na raw manganganak si Ria kaya’t sa mga nagwa-wan-plus-wan na mga Marites, kumpirmadong may deposito na si Zanjoe kay Ria nang magpakasal sila last March.
‘Yun na!
EXCITED ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa napakagandang stage play na Grace.
Nanood si Ate Vi last Sunday dahil sa magagandang reviews ng play tungkol sa kontrobersiyal na 1948 Mama Mary apparition sa Lipa, Batangas.
Featured sa kuwento ang naging buhay ni Sister Teresing na personal na nakilala at nakasama ni Ate Vi sa maraming pagkakataon nu’ng mayor pa siya sa Lipa at hanggang sa namayapa ito.
Ang Grace ang huling naisulat na play ng pamosong si Floy Quintos na pinag-uusapan nga ng mga taga-industriya.
Puring-puri ni Ate Vi ang mga gumanap sa play at mukhang nakukumbinse na itong tanggapin ang alok ng ilang gusto itong gawin sa movie.
Hmmm… Mukhang nadagdagan na naman ang sinasabing magagandang offers kay Ate Vi, pero itong Grace ang tila naririnig naming balak niyang unahing gawin.
Bongga!
NAGING emosyonal si Willie Revillame sa kanyang ginawang Facebook (FB) Live kamakailan.
Kaugnay nga ito ng pamamaalam niya sa Wowowin title at pag-welcome sa Wil to Win show na this June ay aarangkada na sa TV5.
Magiging ka-back-to-back nga ng Eat… Bulaga! ang bagong programa ni Willie kaya’t sinasabing mas magiging bongga ang afternoon time slot ng TV5.
Karamihan sa mga nag-aabang sa show na ito ni Willie ay mga senior citizens na tunay namang audience niya. Pero may hamon sa sarili ang kilalang host na maikonek niya rin sa bagong audience ang programa.
May mga netizens namang nagsasabi na welcome treat ito sa mundo ng TV dahil may bagong pagpipilian at susuportahan ang mga televiewers.
Opmerkingen