top of page
Search
BULGAR

Buntis na edad 10-14, mas dumami

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 8, 2021




Nababahala ang Commission on Population and Development (POPCOM) sa pagtaas ng bilang ng mga nanganganak na edad-15 pababa sa 7% noong 2019 kumpara sa mga nakalipas na taon.


Pahayag ng POPCOM, "In 2019, 2,411 girls considered as very young adolescents aged 10 to 14 gave birth, or almost seven every day. This was a three-fold increase from 2000, when only 755 from the said age group gave birth.”


Ayon sa tala ng POPCOM, ang Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng mga nanganak na menor de edad na pumalo sa 8,008. Sinundan ito ng National Capital Region na may bilang na 7,546, at ang Central Luzon ay nakapagtala naman ng 7,523.


Mataas din ang kaso ng teenage pregnancies sa Northern Mindanao na nakapagtala ng 4,747. Sinundan ito ng Davao na may 4,551 at ang Central Visayas na may 4,541.


Sa pangkalahatan, pumalo sa 62,510 ang bilang ng mga menor de edad na nanganak noong 2019 kumpara sa 62,341 na naitala noong 2018.


Nanawagan naman si PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III sa pamahalaan na unahing isulong ang teenage pregnancy reduction program at nakikipag-ugnayan na rin umano ang ahensiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maprotektahan ang mga batang ina.


Saad pa ni Perez, “Adolescent mothers, as well as their children, can be provided with social protection, similar to the ones offered to older persons and victims of disasters.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page