ni Ambet Nabus @Let's See | June 20, 2024
Uy, nakaka-impress naman talaga ang pinag-uusapang rendition ng SB19 member na si Stellvester Quitales Ajero o mas kilala bilang ‘Stell’ ng All By Myself sa concert ni David Foster last Tuesday sa Araneta Coliseum.
Nag-viral nga ang naturang pagkanta ni Stell na tunay namang may napakataas na boses at sinikap na itawid ang isa sa mga sinasabing kanta na mahirap gawin.
Although maririnig ang pag-off key nito sa isang bahagi ng song (at du’n pa sa medyo mababang nota, ha?), bonggang-bonggang naitawid ni Stell ang pinakamataas na parte na ikinagalak ng mga nanood.
Halata ring ninerbiyos ang singer pero kering-keri niya talagang matawag na world-class singer-performer.
Looking forward nga ngayon ang marami sa mga susunod na gigs/events ni Stell bilang performer.
Pero teka lang, ano naman kaya ‘yung isyu sa kanila ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda kaugnay ng diumano’y okrayan nila sa kanilang group chat na tinawag umano ni Stell na pinaka-"walang kuwentang group chat" sa tanang buhay niya?
Nagbabalik-eksena ang tinaguriang ‘Doña Buding’ ng showbiz na si Nanette Inventor.
Sa mahigit apat na dekada niya sa industriya, tila nagkaroon uli ng purpose ang singer-comedienne lalo’t nae-excite raw siya sa bagong mga platforms ng digital world.
Although may mga regular siyang series na nagawa na at ilang mga kabataang artista na nakatrabaho, hindi pa rin daw nakukumpleto ang pagiging artist niya dahil more than being an actress, singer talaga siya.
“I just want to sing. Even du’n sa mga maliliit na venue lang. I am going to sing songs that have connection to my life. Mga ganu'n, kanta, kuwento, konek sa buhay,” sey ng mahusay pa ring magpatawang si Doña Buding.
Nabanggit niyang si Bea Alonzo ang closest sa mga bagong artista na naka-work niya. Nag-uusap daw sila ng mga sari-saring isyu sa buhay, pati sa love life.
“Only that there is no mention of names. Laging in general ang pag-share namin ng kuru-kuro, point of view o experience on love life, career and life,” dagdag pa nito.
Na-mention din niyang mababait at lumalapit din sa kanya nu’ng time na nakatrabaho niya noon sina Enrique Gil, Liza Soberano at maging si Dimples Romana.
Pumirma ng kontrata si Nanette bilang Viva artist kaya’t umaasa siyang matutupad ang dream niyang magpaka-singer at gusto niya rin na maging aktibo sa acting.
At dahil lagi raw siyang ipinagmamalaki ng mga apo niya sa mga kaanak na mga new generation ng blogger at vloggers, ipinapakita ng mga ito ang mga lumang palabas niya sa TV at film bilang isang mahusay na comedienne, kaya naengganyo na rin siyang pasukin ang mga platform gaya ng TikTok, Facebook, Instagram at pagba-vlog.
“I simply want to impart something on these platforms. I was a teacher before, so why can’t I be a teacher now?” hirit pa nito.
Kami man ay nagulat din sa ginawang paghingi ng apology nu’ng staff ng Coron, Palawan mayor sa mga vloggers na sina Rendon Labador at Rosmar Tan.
Ito nga’y matapos na ideklarang persona non grata sa Palawan province ang grupo ng mga iskandalosong vloggers na nagbibigay ng ayuda sa mga tao para sa content.
Nag-viral ang kanilang paglusob sa opisina ng mayor ng Coron dahil nga sa nai-post ng isang staff patungkol sa diumano’y “panggagamit” lamang ng grupo sa mga taga-Coron at ilang staff ng munisipyo upang magawa nga ang sinasabing ‘bigay-ayuda project.’
Ang naturang paglusob at pagsita ay nagdulot ng confusion sa tunay na layunin nila at dahil may mga pagtaas ng boses at pagduru-duro sa staff na animo’y sila ang may-ari ng opisina, ayun, ipinadeklara ngang persona non grata ang grupo.
Humingi naman ng apology sina Rendon at Rosmar, pero nagulantang ang lahat na pati ang staff ni Mayor na sinasabing minaliit at inalipusta ay nag-sorry din kina Rendon at Rosmar.
Well, baka raw ang susunod na mangyayari ay ang bawian ng apology na tila nauuso ngayon?
Comentarios