top of page
Search
  • BULGAR

Bumili ng BMW… VICE, PROUD NA MAY SARILING DATUNG NA SI ION, 'DI NANGHINGI SA KANYA

ni Mercy Lejarde - @Talkies | June 19, 2022



Huwwoww, ha! Iba na talaga kapag jowa ka ng isang big time celebrity at yayamanin pa, 'coz may binili lang na second-hand karu, nag-trending agad sa YouTube, in pernes.


Ang tinutukoy ni yours truly ay ang jowa ni Vice Ganda na si Ion Perez na kamakailan lang ay bumili ng second-hand karu na ang pera ay galing mismo sa kanyang sariling bulsa na naipon niya sa pagtatrabaho sa It’s Showtime ng Kapamilya Network.


Sey ni Ion sa kanyang vlog ay gusto raw sana niyang brand new car, kaso nga lang ay hindi pa raw kaya ng budget niya.


At siguro, diyahe na siyang humingi ng dats kay VG kaya mas minabuti niyang second-hand car na lang ang bilhin na galing sa kanyang naipon na datung.


In pernes, kahit second-hand ay tatak-BMW naman ang karu na kanyang nabili, 'noh?


“Natuwa ako sa hitsura at kalidad ng nabili kong BMW na kahit second-hand ay parang fresh pa ring tingnan,” sey pa ni Ion.


At siyempre, very proud kay Ion ang naging reaction ng jowa niyang si VG.


Puwede nang ipagsigawan nitong si VG sa mga Marites at mga Mosang ang mga katagang… "Hindi ako sugar mommy ni Ion, 'noh! Misis niya ako at mister ko siya!”


Ion na! At boom ganern!


In pernes, suwerte ni Vice Ganda at nakatagpo siya ng jowang si Ion Perez na hindi lang datung niya ang habol kundi love siya talaga, in pernes!


Sana, si BB Gandanghari ay makatagpo rin ng katulad ni Ion Perez na hindi datung lang ang habol sa kanya kundi tunay na pag-ibig at pagmamahal.


Meron naman talagang lalaking nagmamahal ng tunay sa jowa niyang baklita. 'Yun nga lang, hindi karamihan. According to each kind, so they say.


So, salute to Ion Perez! At harinawa ay may forever kayo ni Vice Ganda at mag-ampon kayo ng anak para lalong tumibay ang inyong samahan bilang husband and wife, 'noh!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page