ni Lolet Abania | October 11, 2022
Nabubulok na ngipin, kuto at sipon ang ilan sa mga karaniwang health concerns na kinakaharap ngayon ng mga kabataang nasa elementary school, ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Martes
Base sa latest data mula sa schools’ health division, ang mga estudyante sa elementarya ay nababahala hinggil sa mga sumusunod na health issues:
• Dental caries o tooth decay na nasa 80.1%
• Pediculosis o lice infestation na nasa 32.2%
• Colds na nasa 28%
• Cough na nasa 22.5 %
• Impacted cerumen o earwax buildup na nasa 10.5%
• Pale conjunctiva na nasa 7.8%
• Tinea flava na nasa 4.4%
• Minor injuries na nasa 2%
• Cervical lymph adenopathy o abnormal enlargement ng lymph nodes na nasa 0.9%
• Skin allergies na nasa 0.3%
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy namang ia-update ng ahensiya ang listahan nito dahil maraming aniya, mga estudyante ang hindi nakalahok sa face-to-face classes sa loob ng dalawang taon sanhi ng COVID-19 pandemic.
Aniya, prayoridad din ng DepEd ang tungkol sa mental health ng mga estudyante.
“That is also why when we opened our schools last Aug. 22, sinigurado natin na meron tayong mga psychosocial activities na ginawa para makita kung talagang handa ang ating learners sa pagbabalik ng schools,” pahayag ni Poa.
Sinabi naman ni Poa na ang inilunsad kamakailan na Oplan Kalusugan campaign ng DepEd at Department of Health (DOH) ay tatalakay din sa usapin ng mental health, kung saan posibleng magsagawa ng yearly assessments sa mga paaralan para ma-check ang mental health status ng mga estudyante.
Una nang inilunsad noong 2018 ang Oplan Kalusugan campaign subalit isang “enhanced” campaign ang isinagawa ng Martes, kung saan tututukan dito ng gobyerno at mga stakeholders ang malnutrisyon at iba pang health concerns sa mga paaralan.
Kabilang sa nasabing kampanya ang feeding program, na layong maserbisyuhan ang 1.7 milyon na “severely wasted” at “wasted” na Kindergarten hanggang Grade 6 students, o iyong kinokonsidera bilang undernourished, at 1.8 milyong Kindergarten students sa buong bansa.
Sa isang mensahe ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, “looks forward to receiving the results of your consultative workshop summarizing the issues, concerns and recommendations from regional school health and nutrition personnel.”
Comments