ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 8, 2021
Naitala ng PHIVOLCS ang “short-lived phreatomagmatic eruption” sa Bulkang Taal ngayong Huwebes nang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, alas-6:47 AM nang maganap ang phreatomagmatic burst sa main crater ng Bulkang Taal at umabot sa 200 metro ang plumes nito.
Nananatili namang nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal at ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”
Comments