top of page
Search
BULGAR

Bulkang Taal, naka-Alert Level 2, mga ililikas, bawal magsiksikan

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 10, 2021





Ipinahahanda na ng Batangas City ang masterlist ng mga pamilyang ililikas sa evacuation center bilang preparasyon sa posibleng pagsabog ng Bulkang Taal, ayon sa pahayag ni Disaster Risk Reduction and Management Officer Rod dela Roca kaninang umaga, Marso 10.


Aniya, ang mga bayan ng San Pascual, Bauan at Batangas City ay puwedeng maging takbuhan ng mga residenteng maaapektuhan ng pagsabog, habang ang mga ililikas naman sa eskuwelahan ay 6,500 katao lamang ang maaaring tanggapin para maiwasan ang pagsisiksikan dahil 600 classrooms lamang mayroon ang paaralan.


Iginiit din niyang dadaan muna sa medical ang lahat ng mag-e-evacuate at hindi sila basta magpapapasok sa evacuation center sapagkat kailangan pa ring masunod ang health protocols. Sakaling may makitang sintomas o positibo sa COVID-19 ay kaagad na ididiretso ang indibidwal sa isolation facility.


Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 51 na pagyanig kada isa hanggang 4 na minuto sa nakalipas na 24 oras. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglapit sa main crater nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page