ni Mary Gutierrez Almirañez | May 22, 2021
Lumikha ng kakaibang singaw at pagkulo ng tubig ang Bulkang Taal kaninang umaga, May 22, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Anila, “Ang patuloy na upwelling o pag-usbong ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake ay napapansing lumilikha ng pagsingaw, paglukso ng tubig at maging ng ipu-ipo kapag may malamig na hangin o ulan sa ibabaw ng lawa. Hindi namamatyagan ang ganitong pangyayari kapag ang upwelling ay nagaganap sa mainit na tag-araw.”
Patuloy namang nagbabantay ang PHIVOLCS sa kalagayan ng bulkan at kung may pagbabago sa kondisyon nito ay tiniyak nila na kaagad iyong ipararating sa kinauukulan at publiko.
Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Comments