top of page

Bulkang Mayon, tuloy sa pag-aalburoto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2023
  • 1 min read

ni BRT @News | July 21, 2023




Aabot sa 90 volcanic earthquakes, 169 rockfall events at tatlong pyroclastic density current ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may tatlong ashing events na tumagal ng isa hanggang 25 segundo.


Naging mabagal ang daloy ng lava mula sa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 2.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully.


Nasa 2,622 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan at nasa 1,200 metro ang taas ng plume na napadpad sa timog-kanluran.


Nananatili naman sa Alert Level 3 ang bulkan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page