top of page
Search
BULGAR

Bulkang Mayon, 24 beses nagpayanig

ni Mai Ancheta | June 26, 2023




Bagama't mabagal, patuloy ang pagpaparamdam ng Bulkang Mayon ng mga aktibidad sa nakalipas na 24 oras.


Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala sila ng 24 na volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras na sinabayan ng 257 rockfall events at 16 dome-collapse pyroclastic events na tumagal ng tatlong minuto.


Sinabi ng Phivolcs na patuloy na nagpapalabas ng lava ang bulkan at mabagal na dumadaloy ito sa Mi-isi at Bunga gullies.


Nakapagtalaga rin ang Phivolcs ng degassing activity at pagbuga ng sulfur dioxide na umaabot sa average na 663 tonelada.


Nananatiling nakataas sa alert level 3 ang bulkang Mayon.


Nakapagtala naman ang Phivolcs ng anim na pagyanig sa Taal Volcano sa Batangas na tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page