top of page
Search
BULGAR

Bukod sa walang bisa, bawal magpakasal ang menor-de-edad

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 22, 2024


Dear Chief Acosta,


Nabuntis ang anak ko ng kanyang nobyo. Gusto nilang magpakasal pero pareho silang menor-de-edad. Kung magpapakasal sila kaagad, may bisa ba ito o wala? – Kim


Dear Kim,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Artikulo 2, 4, at 5 ng “The Family Code of the Philippines”, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:


(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and


(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. 


Art. 4. The absence of any of the essential or formal requisites shall render the marriage void ab initio, except as stated in Article 35 (2).


A defect in any of the essential requisites shall render the marriage voidable as provided in Article 45.


An irregularity in the formal requisites shall not affect the validity of the marriage but the party or parties responsible for the irregularity shall be civilly, criminally and administratively liable.”


Art. 5. Any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage.” 


Batay sa mga nabanggit, ang legal na kapasidad ng mga magpapakasal ay isa sa mga essential requisites ng kasal. Kaugnay nito, ang edad ng mga magpapakasal ay dapat 18 taong gulang at pataas. Ang kawalan nito ay magpapawalang-bisa sa kasal.


Samakatuwid, kung magpapakasal agad ang iyong anak at kanyang nobyo ay magiging walang bisa ito dahil pareho pa silang menor-de-edad.  


Bukod sa kawalan ng bisa ng nasabing kasal, maaari ring mapanagot sa Republic Act (R.A.) No. 11596 o “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violation Thereof”, ang mga taong mag-aayos at magsasagawa ng kasal kaya naman mariin naming ipinapayo na huwag ituloy ang pinaplanong kasal ng iyong menor-de-edad na anak.   


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page