top of page
Search
BULGAR

Bukod sa serye ni Alden… KANTA NG SB19, GARY V. AT KOLEKSIYON NI RYAN CAYABYAB, IPAPADALA RIN SA BUWAN PARA MA-PRESERVE

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 29, 2024




Honored sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards na kasama sa mga ipadadala sa buwan ang historical series na Pulang Araw (PA) na kanilang pinagbibidahan. 


Ang PA kasi ang first Filipino TV series archived on the moon. Kabilang ang series sa Lunar Codex project in 2025.


Si David, excited dahil makikita na raw siya sa buwan, as if may tao sa buwan. 


Sey naman ni Sanya, “Balita ko nga na bilang lang ang mga inilalagay du’n, so parang ang sarap lang sa pakiramdam na isa tayo ru’n,” at sinundan ni Barbie ng, “Honored and surprised. Hindi namin inaasahang mapapabilang kami.”


Naikuwento naman ni Alden na in-announce ni Direk Dominic Zapata ang tungkol dito at tuwang-tuwa sila. 


Ani Alden, “Kanina nga, this morning in-announce ‘yan ni Direk Dom, and we’re very honored na napili ‘yung proyekto namin para magkaroon ng opportunity to be part of the Lunar Codex project, so maraming-maraming salamat for the opportunity.”


Kasama sa ipadadala sa buwan ang music ng SB19, Ryan Cayabyab’s collection, Gary Valenciano’s collection at marami pang iba.


 

Endorser lang daw ng skin clinic, ikinulong dahil sa estafa… NERI, SUPORTADO NG MGA TAGA-SHOWBIZ



Ang daming mga taga-showbiz na nagpahayag ng suporta kay Chito Miranda at sa asawang si Neri Naig-Miranda. Karamihan, nagpapatunay na mabuting tao si Neri at ang iba, nagpaalala kay Chito na malalagpasan din nila ang kinakaharap na kaso ni Neri. 


Karamihan, nagbigay ng lakas at dasal na mabilis malampasan ni Neri ang kanyang mga kaso para makalabas na ng kulungan at makapiling ang mga anak.


May mga umamin naman na naging biktima rin sila ng skin clinic na naging rason kung bakit nakulong si Neri at wish nila, maibalik ang kanilang pera at makulong ang tunay na may kasalanan.


Kabilang sa mga handang tumulong kina Chito at Neri si Kiko Pangilinan at sabi nito, “Narito kami handang tumulong Chito. Ang product endorser ay isang talent at hindi dapat nananagot sa iligal na gawain ng may ari at management ng isang korporasyon."


Sey pa ni Kiko, “Biktima rin si Neri tulad ng ibang nabiktima nu'ng mga estafador sa likod ng kumpanya. Habulin dapat ‘yung mga may-ari. Nawa’y madismis o maibalik ang kaso sa piskalya para sa preliminary investigation at ma-lift o ma-quash ang arrest warrant.”


Nagpasalamat kay Kiko ang mga supporters ni Neri at nakiusap silang bilisan ang pagtulong sa aktres para makalabas agad. 


May nag-comment pa na tutulungan talaga ni Kiko si Chito dahil kamag-anak niya ito. Whatever, ang importante, marami ang tutulong kay Neri.


Naalala tuloy ng mga netizens ang naging kaso nina Luis Manzano at Ricardo Cepeda na halos kapareho ng nangyari kay Neri. Ang paalala ng mga netizens sa mga celebrities, ‘wag tanggap nang tanggap ng endorsement, pag-aralan muna bago pumirma.

                                                                                

 

ANG ganda ng ad campaign ng Century Tuna na ang bagong brand ambassadors ay sina Richard Gomez at Aga Muhlach. Ang goal ng dalawang aktor ay “to be fit and to be healthy” at next year, ang pangako ng dalawa, hindi na dads bods ang makikita sa kanila.


Aminado si Aga na nadagdagan ang kanyang timbang at nabanggit nga nito, sa movie nila ni Julia Barretto dati, he needs to lose 50 lbs. na hindi yata na-achieve. This time, kasama si Richard, tila matutupad na ang goal ni Aga na pumayat. 


Kapag nangyari ang kanyang pagpayat, last natin siyang mapapanood na “malusog” sa Uninvited.


In fairness, bagay sa kanyang weight ang role niya sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects na si Guily Vega, a shrewd billionaire. But next year, ibang Aga na ang mapapanood natin sa mga gagawin niyang projects.


Naalala tuloy namin ang comment namin sa grand launch ng Uninvited na sana, isinama sa cast si Richard. Ayan, natupad ang kanilang pagsasama, sa TVC nga lang at hindi pa sa pelikula. Pero malay natin.


Sa December 25, 2024 na magsisimulang mapanood ang Uninvited nationwide sa cinemas near you. Be ready sa ganda ng pelikula, sa husay ng direction, ganda ng story at husay ng buong cast.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page