top of page
Search
BULGAR

Bukod sa sangkatutak na trabaho… Mga bagay na dagdag-stress ‘pag naka-work from home

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| April 20, 2021




Dahil sa ating COVID-19 situation, maraming kumpanya pa rin ang nagpapatupad ng work from home nang sa gayun ay maiwasan ang paglabas ng kanilang mga empleyado, na super-risky dahil puwede silang makasagap ng virus.


Gayunman, kung akala ng iba ay super-easy ng work from home set-up dahil nga naman nasa bahay lang, knows n’yo bang mas stressful ito kumpara sa pagtatrabaho sa tunay na opisina? Yes, besh!


Pero ang tanong, bakit nga ba? Narito ang ilang bagay na dagdag-stress para sa mga beshy nating working from home:


CLUTTER. Bagama’t madaling maipon ang mga kalat sa ating “work station”, ang lahat ng ito ay may dapat kalagyan. Kapag nagsimulang magkalat ang mga papel o loose cords, nagiging mahirap ang paghahanap ng anumang kailangan natin, na nagdudulot ng stress. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na maglinis tuwing pagkatapos magtrabaho para iwas-kalat, gayundin dahil nakatutulong din ito upang makapagpahinga ang isip.


INSUFFICIENT LIGHT. Sey ng experts, ang mga work station na walang sapat na lighting ay nagiging dahilan upang hindi matapos agad ang isang task. Dahil dito, inirerekomenda na maglagay ng lamp o ceiling lights para mabawasan ang stress.


SAME SPACE WHERE YOU RELAX. Mula nang maraming naging work from home ang set-up, marami ring nahirapang ihiwalay ang kanilang trabaho sa personal na buhay. Kaya naman sey ng experts, ang pagkakaroon ng hiwalay na work area at lugar kung saan ka namamahinga ay magbibigay ng physical at mental separation sa dalawa. Gayunman, hindi kailangang bongga, dahil dagdag pa ng mga ito, ang pagpapalit lamang ng lamesa o upuan kung saan ka nagtatrabaho at nagre-relaks ay may malaki nang pagkakaiba. Hmmm…


UNFINISHED PROJECTS AT HOME. Knows niyo ba na ang anumang unfinished home office renovation ay nakapagdudulot din ng stress? Ito ay dahil sey ng experts, ang anumang bagay na hindi “inviting” o nagtatawag ng stress response ay nagdudulot upang iwasan nating lumapit sa bagay o espasyong ito.


‘Ika nga, hindi talaga madali ang set-up na ito dahil marami pang nag-a-adjust, pero mas lalong humirap dahil sa limitado nating pagkilos dahil sa pandemya.


Gayunman, ngayong knows n’yo na ang iba’t ibang bagay na nakapagdudulot ng dagdag na stress sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, make sure na susubukan n’yong ayusin ang mga ito, ha? Keri? Fighting!

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page