ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 8, 2024
Photo: Gretchen Barretto - Instagram
Habang nagkakagulo ang ilang mga showbiz royalties sa pagpapaandar nila sa socmed, ang tahimik na si La Greta o Gretchen Barretto since after pandemic ay pasimple na palang owner ngayon ng ilang buildings sa Makati City?
Yeeesss, bukod pa nga ito sa lumabas sa BULGAR kahapon na diumano ay gusto nitong bilhing RCBC Building na pag-aari ni Ms. Vivian Yuchengco.
Ayon sa aming na-Marites, simula raw pala nang mag-lay-low sa kanyang mga socmed activities itong si Greta ay puro pag-aatupag sa negosyo here and abroad ang inasikaso nito.
Nabili na raw pala nito ang dalawa sa mga sikat na buildings sa Makati (ayaw pang pangalanan ng aming source) at ang kumpanya na niya ang nagpapatakbo ng operasyon nito.
Bukod pa riyan, tinutulungan diumano ang dating kontrobersiyal na aktres ng kanyang anak at manugang sa pagpapatakbo naman ng negosyo nila abroad na may kinalaman sa properties o realty.
At dahil isa na rin itong gorgeous granny sa kanyang granddaughter, nagbabalak din daw itong magtayo ng negosyo na may konek sa mga bagets o children.
Kaya pala kataka-taka ang pananahimik ng dating matatawag na "maingay" sa socmed dahil bilyones na ang galawan ng mga emote niya.
Patatabihin na ba natin ang mga paandar na anik-anik ng mga bilyonaryo royalties kuno d'yan?
"MAGPAPAKA-DARING na lang din, bakit hindi pa siya ang bida at sa isang music video lang?" reaksiyon-tanong 'yan ng mga noo'y supporters ni Liza Soberano.
Sa kumakalat kasing balita na meron umano itong ginawang music video kasama ang isang sikat na Thai actor na si Bright Vachirawit, ipino-promote ang pagiging palaban ni Liza sa shower scenes.
Kaugnay nga ito ng music na Long Showers kung saan mapapanood ngang basang-basa sa tubig sina Bright at Liza, habang half-naked ang lalaki at medyo nakalaylay naman ang strap ng suot na pang-itaas ni Liza.
Napanood namin ang music video at wala naman itong ipinagkaiba sa marami nang kagayang 'shower scenes' na may pakitang sexy at galawang mapang-akit kumbaga.
'Yun nga lang, since first time siguro itong ginawa ni Liza kaya't may ganyang reaksiyon ang kanyang mga dating loyal fans.
"Shall we expect to see more of this kind?" tanong tuloy ng marami sa tila bagong career path ng dating sikat na sikat na aktres sa bansa.
RAMDAM namin ang hinaing ni Kabitan star Athena Red nang sagutin nito ang tanong namin tungkol sa na-experience niyang tila 'violation' sa sex scene niya sa VMX movie.
"Nakaramdam po kasi ako ng 'pagka-ilang.' Parang may malisya na 'yung mga hawak, 'yung paghipo, 'yung pagdantay ng mga kamay sa maseselang parte ng katawan ko," kuwento ni Athena.
Wala raw siyang ginawa kundi ituloy ang eksena at nang matapos ay umiyak na lang siya sa tabi.
Segunda naman ng direktor nitong si Sigrid Polon, "Nakita ko nga siya sa isang tabi, umiiyak at tinanong ko. 'Yun pala, dahil daw nga sa eksenang ginawa namin. Pero ako naman po bilang direktor at bilang isang babae rin, hindi ko po nakita 'yun sa mga lente. Much more, hindi ko naramdaman na hindi pala siya komportable."
Nang kunan namin ng reaksiyon ang kanyang mga kasamang lalaki sa movie na sina Chester Grecia at Juan Paolo Calma, very supportive ang huli at sinabi pang, "Nandito lang ako. Sana, sinabi mo sa akin."
Habang si Chester ay nagwika, "Ako kasi bilang artista na medyo marami na ring nagawang daring na eksena, ginagawa ko at sinusunod ko lang kung ano ang nasa script.
Dapat bilang artista, you should carefully read the script at kung meron kang hindi gustong gawin, tell your director o sino'ng in-charge sa production para walang pagsisisi."
Hmmmm....
Comentarios