ni Beth Gelena @Bulgary | January 20, 2024
Photo : Kathryn Bernardo , Janno Gibbs / IG
Ayon kay Janno Gibbs, si Kathryn Bernardo lang umano among the celebrities ang pinayagan nilang makita ang mga labi ng amang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez nu'ng wake nito.
Ani ng singer-actor, pinayagan ng pamilya na masilip ng aktres ang kanyang ama habang nasa casket during his wake.
Sobrang naging close raw kasi ang kanilang ama kay Kath mula nang gawin nila ang teleseryeng 2 Good 2 Be True with her ex-boyfriend Daniel Padilla.
Ani Janno, “Kathryn was there, one of the firsts sa wake.
“She was the only one allowed to view. It was just immediate family plus they were really close,” dagdag pa nito.
Pagkatapos na malaman ng aktres ang nangyari sa beteranong aktor, agad na nagbigay ng tribute si Kathryn sa kanyang "Lolo Sir" via Instagram at nag-post ng several photos at videos nilang dalawa.
Ang huling komento ng beteranong aktor sa IG ng aktres ay nang magpalit ng hair color na orange si Kath.
"Rebeldeh," sabi ni Ronaldo with laughing emoji sa comment.
Comments