SANA
ni Nitz Miralles - @Bida | April 9, 2021
May mas grabe pa palang comment sa baby nina Markus Paterson at Janella Salvador kesa sa comment ni Gabriel Anunciacion na pinuntirya ang mukha ni Baby Jude.
May babaeng basher na nag-wish na magka-COVID ang baby. Ano ba'ng pumasok sa isip ng babaeng ‘yun na pati bata, pinag-isipan nang masama?
Kaya ang payo ng mga netizens kina Janella at Markus, ituloy nila ang demanda sa mga bashers na nag-comment ng nega sa anak nila, lalo na ‘yung Gabriel at ‘yung nag-wish na magka-COVID si Baby Jude.
Sa umpisa lang matatapang, matatakot din naman pala. Si Gabriel nga, nag-post ng letter of apology sa Facebook at para hindi siya ma-bash, naka-settings na walang makakapag-comment.
Pati ang mga kagaya ni Gabriel na nag-comment, deactivated na raw ang FB account, kaso na-save ni Markus, kaya ang payo sa kanila ni Janella, tuluyang idemanda ang mga bashers.
Comments