top of page

Bukod sa nag-motel daw sa Pasig… BB, KUMANTANG NAG-MARIJUANA SILA NI PIOLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2020
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 24, 2020




Kailan kaya matatapos ang mga pasabog ni BB Gandanghari sa kanyang 'favorite actor' na si Piolo Pascual, na sa kanyang tell-all sa YouTube vlog niya ay ipinakilala niya sa pangalang Jonathan?

Una nang lumikha ng kontrobersiya ang mga sinabi ni BB sa kanyang mga nakaraang vlogs tungkol sa diumano'y mga 'nangyari' sa kanila ni Piolo sa San Francisco, USA nu'ng year 2001 kung saan that time ay nabubuhay pa siya sa katauhang Rustom Padilla.

Meaning, 'di pa dead si Rustom that time at ito nga ang tinukoy ni BB bilang si David sa kanyang kuwento tungkol sa naging secret affair nina David at Jonathan na nagsimula sa San Francisco at nagtuluy-tuloy hanggang sa pareho na silang umuwi sa Pilipinas.

Sa bagong uploaded na vlog ni BB sa kanyang YouTube Channel, ikinuwento naman nito ang diumano'y pagmo-motel sa Pasig nina David at Jonathan.

Pero ang mas nakakawindang ay ang kuwento ni BB na diumano, that time nang mag-motel sina David at Jonathan ay inalok ng huli ang una na mag-try na mag-smoke ng weed o mas kilala sa tawag na MARIJUANA.

Hindi tuloy namin maiwasang mag-isip kung ano ba talaga ang intensiyon ni BB sa mga pasabog niya tungkol kay Piolo.

Gigil na gigil na ba siya sa pandededma sa kanya ni Papa P. kaya ngayon, pati sa paggamit ng illegal na marijuana ay ikinakabit na niya ang pangalan ng sikat na aktor na tinitingala pa naman bilang isang good role model at endorser?

Ano pa ba'ng gustong patunayan ni BB at bakit kailangan pa niyang sabihin ang mga ganitong bagay laban kay Piolo?

Ang tanong lang namin, hanggang saan naman kaya kakayanin ni Piolo ang mga pasabog ni BB? Hanggang kailan kaya niya kakayaning manahimik at dumedma na lang habang sinisira ang kanyang pangalan at reputasyon?

Hindi na basta gender issue lang ni Piolo ang sinentruhan ni BB kundi pati ang pagiging role model niya ay unti-unti na ring sinisira ng KSP na utol ni Robin Padilla.

Patuloy pa rin bang dededmahin ni Piolo ang mga susunod pang pasabog ni BB Gandanghari? Paano naman ang mga taong sumusuporta sa kanya na nasasaktan sa pagsira sa kanyang pagkatao?

Abangers ang madlang pipol sa magiging aksiyon ni Piolo Pascual at ng kanyang kampo. Si BB Gandanghari lang ba ang magpapatahimik sa kanya?

'Wag naman sana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page