top of page

Bukod sa hotel sa Tagaytay at chopper… WILLIE, 4 NA ANG YATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 19, 2024



Kahit ilang taon nang namahinga sa TV ang programa niyang Wowowin noong may COVID pandemic, hindi pa rin bumitaw ang mga fans at supporters ni Willie Revillame.


Tanging sa YouTube at FB page na lang napanood si Willie, pero kahit paminsan-minsan na lang siyang makita nang personal sa ilang public place, dinudumog pa rin siya at marami ang sabik na magpa-picture sa kanya.


Madalas ay itinatanong ng lahat kung kailan regular na mapapanood ang Wowowin sa TV.


Well, ayon sa ilang staff ng Wowowin, naghahanap na lang ng studio si Willie at desidido nang magbalik-programa ngayong 2024. At kailanman ay hindi siya na-depressed at nagmukmok sa panahon na hindi na umeere sa anumang network ang Wowowin. 


Nagkaroon si Willie ng panahon para asikasuhin ang kanyang negosyo at mga properties na naipundar. Ang tatlong prime properties niya sa Tagaytay Highlands ay naibenta na niya at kumuha siya ng mas malaki at mas magandang property na nasa Tagaytay din. 


Malapit na ring mag-operate ang ipinatayo niyang hotel sa Tagaytay na puwedeng gamitin sa mga events. Hindi nalulugi si Revillame bagkus ay kumikita pa sa kanyang mga investments sa real estate. 


Apat na rin ang kanyang yate ngayon. 


Araw-araw ay abala si Willie sa pakikipag-meeting sa ilang negosyante, kaya walang nasasayang na oras at panahon kahit wala pa siyang show!


Labis lang na ikinagulat niya nang pumasok siya sa Top 10 sa latest survey ng Pulse Asia para sa top senatoriables sa 2025 elections. 


Kaya ngayon ay may ilang grupo ang humihimok kay Willie na tumakbong senador sa darating na 2025 elections. 


Eh, noon pa man ay inayawan na ni Revillame ang pumalaot sa pulitika, kahit na nga mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte pa ang kumukuha sa kanya noon para makasama sa kanilang ticket ng senators.

Let’s see kung magbabago ang desisyon ni Willie Revillame.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page