ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 10, 2024
Photo: Ai Ai Delas Alas at Gerald - Instagram
Totoo kaya na ang hindi pagkakaroon ng anak ni Ai Ai delas Alas sa asawang si Gerald Sibayan ang dahilan kaya nila winakasan ang sampung taong pagsasama?
Ito ang ipinunto ni Jobert Sucaldito sa report niya sa online show nila ni Direk Chaps Manansala na Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon o OOTD sa YouTube (YT), kaya naghiwalay ang mag-asawang Ai Ai at Gerald.
Bukod dito ay isa pang anggulong lumutang na diumano’y battered wife si Ai Ai at may third party pa raw sa part ni Gerald.
May mga lumabas nang blind item noon pa tungkol sa couple na on the rocks ang pagsasama pero pilit na isinasalba ng babae dahil gusto niya ng buong pamilya bukod sa mahal pa niya ito.
Sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay inamin ng King of Talk na wala siyang alam na hiwalay na ang dalawa dahil walang binanggit si Ai Ai sa kanya nu’ng huli silang magkausap. Pero sa Lunes, Nobyembre 11, ay tatanungin niya nang personal ang aktres tungkol dito bilang special guest niya ito sa programa kasabay ng selebrasyon ng 60th birthday ng komedyana.
Going back to Jobert ay umamin itong may nakausap siyang common friend nila ni Ai Ai na hindi konektado sa showbiz na umamin sa kanya.
Si Direk Chaps Manansala na co-host ni Jobert sa OOTD ang unang nagtanong, “Nagulat ako, nalungkot ako na ‘di ko alam kung ano’ng naramdaman ko sa kumakalat sa social media ngayon, ‘Nay (Jobert), na hiwalay na si Ai Ai delas Alas at ang kanyang asawang si…?”
Say ni Jobert, “They’ve been married for the past 10 years and akala nga ng iba, may forever, ‘di ba? Akala natin (talaga) may forever kasi minsan, nagbibiro pa nga si Ai Ai sa mga interbyu sa kanya because alam niya na mahal na mahal siya ni Gerald and they really loved each other.
“In fairness kay Ai Ai ay she had done everything para ma-please ang kanyang husband at I’m sure tinulungan niya ito sa kanyang flying school. Now that he is a pilot, they opted to stay in America. At si Ai Ai, ‘di ba, bihira siyang umuuwi rito kapag may mga shows?
“Sakripisyo and submitted herself accordingly and forgot about herself and ipinokus niya ang kanyang pagmamahal kay Gerald nang ilang taon.”
Dagdag nito, “Yeah, at ngayon lang talaga pumutok ang balitang naghiwalay na sila ni Gerald Sibayan, so I called a friend, a non-showbiz friend na close kay Ai Ai and pinasuka (pinilit magsalita) ko ‘yung kanyang non-showbiz friend at umamin, yes, hiwalay sila!
“Sabi sa ‘kin, ‘Totoong hiwalay sila but I cannot give you details.’ I will respect that, hihintayin ko ‘yung oras na si Ai Ai na mismo ang magsasabi, magpaliwanag at mag-explain kung papaano sila naghiwalay.
“Ang follow-up question ko lang sa non-showbiz friend namin na ‘yun na close kay Ai Ai, kung may kinalaman ba ‘yung edad kung bakit sila naghiwalay kasi malayo ‘yung age gap nila. Sabi niya (non-showbiz friend), ‘In a way, yes!’”
At sapantaha ni Jobert, “May naglalaro sa isip ko na siyempre, Gerald is young, Gerald wants a child, gustong magkaanak ‘yan pero siyempre, hindi na maibigay ni Ai Ai ‘yun because lampas na siya sa edad na alam mo ‘yun na ‘di puwedeng mag-anak.
“Kumbaga, it’s not just about love, eh. Siyempre, ‘yung bata, nagbabago ‘yung perspective n’ya. Nu’ng bago pa lang sila, I’m sure he really loved Ai Ai at hindi naman siya tulad ng ibang bata na ginamit lang niya si Ai Ai kasi itong batang ito ay may kaya rin ang pamilya nito.
“Kumbaga, it’s also sacrifice for him na Ai Ai is popular, but because his age na dapat na-enjoy niya ang kanyang youth.
“Normally, sabi nga nila (mga Marites), dapat ang naging dyowa niya ay kaedaran n’ya.
“At dahil sa factor na ‘yun ay may bagay silang hindi nagkakaunawaan, in short. Basta kinonfirm ng ating non-showbiz na source na talagang hiwalay na sila at malungkot si Ai Ai and she just arrived, galing s’ya ng Amerika na halos doon na siya naninirahan.
“But since hiwalay na sila (Ai Ai at Gerald), siguro dito muna siya at nandoon naman ‘yung anak niya, si Sofia (sa Amerika).”
Bukas ang BULGAR sa panig o kampo ni Ai Ai delas Alas tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Gerald Sibayan.
Comments