top of page

Bukod pa ‘yung kasama ang 2 anak… MARIAN, NAKA-30 ENDORSEMENTS SA ISANG TAON LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 22, 2025



Photo: Marian Rivera - Instagram


Marami ang nagtatanong kung kailan magbabalik sa telebisyon ang Primetime Queen na si Marian Rivera. 


Sa isang mediacon ay nabanggit niyang ngayong 2025 ay magbabalik na siya at muling lalabas sa isang serye ng GMA-7, pero wala pang ibinigay na detalye kung ano’ng project at kung kailan ito uumpisahan. 


May balitang posibleng sila ni Dingdong Dantes ang magtatambal sa bagong serye, inaayos lang ang kani-kanilang schedule ngayon. 


Medyo malalaki na ang dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto, kaya maaari nang mag-full-time si Marian sa kanyang career. 


At kahit hindi siya napapanood ngayon sa telebisyon, in-demand pa rin bilang product endorser si Marian. Malaki pa rin ang tiwala sa kanya ng mga advertisers dahil ang sipag ni Marian na mag-post sa social media ng kanyang mga daily activities na pinagkakaabalahan at malaki pa rin ang kanyang following.


Ngayong 2025, 30 endorsements ang kanyang tinanggap bilang solo endorser. Iba pa ‘yung endorsements na kasama ang kanyang mga anak na sina Zia at Sixto. 

Well, new look ngayon si Marian Rivera dahil nagpaiksi ng buhok. Bumagay naman sa kanya at bumata siyang tingnan.


 

ISA sa mga talents na maipagmamalaki ni Rayver Cruz ay ang husay niya sa pagsasayaw. Madalas ay partners sila sa paghataw ng kanyang Kuya Rodjun. Pero, marunong ding kumanta si Rayver dahil mga singers ang angkan ng mga Cruz. 


Nang mapadpad si Rayver sa GMA Network at ipinareha siya kay Julie Anne San Jose, natuto na rin siyang mag-host ng talent show tulad ng The Clash (TC). Swak sila ni Julie Anne bilang tandem as singer-performer sa programang All-Out Sundays (AOS). 


Ganunpaman, gusto rin ni Rayver na mahasa ang kanyang acting skills. Ayaw niyang malimitahan ang kanyang talento sa pagsasayaw at pagkanta lamang. At nagbunga naman ng maganda ang kanyang pagsisikap na mahasa sa pag-arte. 


Katunayan, nanalo siyang Best Actor dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa afternoon soap ng GMA-7, ang Asawa ng Asawa Ko (ANAK). Isang award-giving body ang kumilala sa kanyang talento bilang aktor, kaya labis ang pasasalamat ni Rayver Cruz sa karangalan at pagkilalang ipinagkaloob sa kanya.


Wish naman ng mga JulieVer fans, sana ay magkasama sina Julie Anne at Rayver sa isang magandang serye upang mag-level-up pa ang kanilang galing sa pag-arte.


 

KAHIT consistent na mataas ang ratings at tinatangkilik ng libu-libong viewers ang sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy ang Kwento (PM:TAK), hindi tumigil ang creative team ng show, sa pangunguna ni Michael V., upang mag-isip ng magagandang ideas at napapanahong kuwento para sa bawat episode na ipapalabas nila tuwing Sabado. 


Kaya kahit ang mga GenZ ay makaka-relate at maaaliw sa panonood ng PM

Ang maganda pa, dahil sa tagal ng pagsasama ng buong cast ng PM, para na rin silang isang malaki at masayang pamilya. Excited ang lahat na magtrabaho dahil masaya ang ambiance sa set. 

Ang PM ay magse-celebrate ng 15th anniversary ngayong 2025. Kaya ito ay pinaghahandaan nina Michael V., Manilyn Reynes, Nova Villa, Chariz Solomon, Jake Vargas, Mosang, atbp.. 

Magiging espesyal ang mga susunod na episodes ng PM. Marami ang naaliw sa Valentine episode kaya lagi itong pinapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7. 

Well, pangako ng cast ng PM na “more tawa at more saya” ang ibibigay nila sa mga loyal viewers ng GMA show.


 

USO na naman ang concert ngayon. Handa nang gumastos ang mga mahihilig manood ng concert-shows ng mga sikat na singers-performers.


Kaya, na-inspire rin na muling bumalik sa center stage ang ilang mga singers tulad nina Gary V., Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, atbp.. 


Maging ang ilang singers noong ‘80s at ‘90s ay muling magpapasaya sa kanilang mga dating tagahanga, tulad ni Miriam Pantig na sumikat noong late ‘80s. 


Isang one-night only concert ang gaganapin ngayong Sabado sa Teatrino Greenhills para sa isang post-Valentine concert titled Flashbacks and Grooves (FAG)


Special guests dito sina Patricia Javier, Token Lizares, Ryan Englis, kasama ang Moving Fingers Band. Part ng proceeds ay ibibigay sa charity.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page