top of page
Search
BULGAR

Bukod kina Nancy, Angel, Jennylyn at Jessy…NABULGAR: LUIS, MAY ISA PANG NAGING GF SA SHOWBIZ

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 04, 2021




Naaliw naman kami sa latest vlog ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano kung saan nakasama nila si Alex Gonzaga.


Naging malapit na magkaibigan sina Luis at Alex nang magkasamang mag-host ng ilang shows sa ABS-CBN.


May challenge si Luis kina Jessy at Alex sa content ng latest vlog niyang Who Knows Me Better? at dito nga ibinuking ng kanyang misis kung ano ang greatest fear ni Manzano.


Ito raw ay ang pagpunta sa dentist. Kailangan daw na sedated si Luis kapag may ipagagawa sa dentist!


Isa pang ibinuking sa nasabing challenge ay kung naka-ilang girlfriends na si Luis. Five GFs ang sagot ni Manzano kaya napaisip kami kung sinu-sino ang mga ‘yun.


Ang naging open lang kasi sa publiko na nakarelasyon ni Luis ay sina Nancy Castiglione, Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola. Sino kaya ‘yung naunang isa na Grade 1 pa lang daw si Luis nang maging GF niya pero ngayon ay artista rin?


Ibinuking naman ni Alex Gonzaga na nanligaw din si Luis sa kanyang Ate Toni pero nabasted ito!


Hindi rin itinanggi ni Manzano na mama’s boy siya at mas malapit sa kanyang mom, ang Star for All Seasons na si Congw. Vilma Santos!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page