top of page
Search
  • BULGAR

Buking sa X, kamukha ni Ariel Rivera… DR. MICHAEL PADLAN NA SURGEON NG MAKATI MED, BAGONG BF NI KRIS

ni Julie Bonifacio @Winner | September 17, 2024



Showbiz News

Ibinulgar na ang buong pangalan ng bagong boyfriend na doktor ni Queen of All Media Kris Aquino. 


Pinagpiyestahan sa X (dating Twitter) ang “name reveal” ng boyfriend ni Kris na kasama at katabi niya sa loob ng eroplano pabalik ng Pilipinas. 


Matatandaang sa huling post ni Kris sa Instagram (IG) pabalik ng Pilipinas ay may mahaba siyang caption. Nagpaliwanag si Kris kung bakit kailangan niyang bumalik ng bansa at pinasalamatan ang kanyang medical team especially ang kanyang “MY Dr. MP.” 


To refresh, ito ang portion sa caption ni Kris kung saan makikita na may isinulat siyang “And MY Dr. MP.”


Sey ni Kris, “There are so many I wish to thank, our OC friends who became our adoptive family. They @flypal team, my 2 Fil-Am close friends Dr. Henry & Dr. Titus, and MY Dr. MP, my 3 best friends @michaelleyva, @lenalonte, and @annebinay (Kuya Josh is staying with ANNE for a few more weeks), my FIL-AM nurses (Mike, Cara and Patricia), and my source of strength, and God’s biggest blessing, my “BIMB.” They are flying home with me. A longer gratitude post when we get home.”


And so, Kris' “MY Dr. MP” is Dr. Michael Padlan na surgeon sa Makati Medical Center (MMC). 


Naka-post sa X ang mas close-up na picture ni Dr. Padlan mula sa netizen na may account name na @AltIndayBadiday.


Ayon sa caption nito, “May name reveal na pala ang bagong karelasyon ni Kris Aquino na kasama sa pinasalamatan niya (‘MY Dr. MP’) sa kanyang post bago lumapag ng Pilipinas galing Amerika, three days ago. Magaling na surgeon pala itong si Dr. Michael Padlan sa Makati Medical Center.”


Sa comment section ay lalo pang nai-reveal ang personality ni Dr. Padlan mula sa mga nakakakilala sa kanya at naging pasyente ng boyfriend ni Kris.

Sey ng mga ito…


“He’s my surgeon at sobrang bait n’ya. I called him ‘Dok Gwapo’. S’ya nag-"summer cut” sa bunso ko for free.”


“He’s my surgeon. Yes, magaling na doctor si Dr. Padlan.”

“Akala ko si Ariel Rivera. Kakanta na sana ako ng Sana Ngayong Pasko (music note emoji).”


Pinuna naman ng ibang netizens ang pagiging active ng love life ni Kris sa kabila ng kanyang health condition.


Sey ng mga netizens:


“Haba talaga ng hair ni Madam Kris. I hope this guy treats her good.”

“‘Di na nawalan ng love life ang ate mo, kahit nasa hospital bed. Char but not char.”

“Iba rin si Kris, lumalaban na sa life, palaban pa rin ang love life. Sana all.”

Aguy!


 

INAMIN ni Carlo Aquino na naka-relate siya sa kanyang karakter sa latest movie niya na Crosspoint bilang isang artista na down na ang career. Naranasan din daw ni Carlo ang matakot nu’ng kumokonti ang mga proyektong ginawa niya.


“Sa lahat naman ng karera, may point na bababa, ‘di ba?” pahayag ni Carlo.


Dugtong pa niya, “Kailangan mo lang sakyan ‘yung wave ng buhay. Nangyari na sa ‘kin ‘yun, ‘di ba, ilang beses na akong nawala, ilang beses na akong bumalik. So, siguro, ganu’n lang. Uh, palagi ka lang lumalaban.”


Ang Crosspoint is a film collaboration between High Road Creatives (Philippines) and 034 Productions (Tokyo, Japan). Ishinoot ang movie sa Japan at ilang lugar sa Metro Manila.


Ginagampanan ni Carlo ang karakter ni Manuel na isang sikat na Filipino actor dati pero nagkaroon ng dry patch for several years sa kanyang career. Pumunta siya ng Japan para ilegal na magtrabaho sa isang cabaret. 


Ayon kay Carlo, “Very challenging for me as an actor ang project na ‘to. Nag-shoot kami sa Japan for almost three weeks, dito sa Philippines, may mga scenes din kami na ginawa.” 


At gaya ng lahat ng aktor, bukas si Carlo na mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng international career.


“Sa edad ko, I’m considering everything. I’ll grab all the opportunities to explore, to grow. Kaya I’m open,” sabi ni Carlo.


Basta trabaho, iga-grab daw ni Carlo. He will never say no to work. Pero siyempre, kailangan din daw ng approval ng misis niyang si Charlie Dizon. 


“Of course! Kailangan talaga pag-uusapan muna namin kasi she’s part of my life now. Pero ‘di pa rin naman ako magno-“No” sa trabaho. I just have to set boundaries and limitations with work,” lahad niya. 


Anyway, sina Ravien Bracero and Sho Ikushima ang mga producers ng pelikula.

Ang Filipino filmmaker na naka-based sa Japan na si Donnie Ray Ordiales (The Red Dress, Nena and Shortcut) ang direktor ng Crosspoint. Habang ang French-Canadian na si Hans Bobanovitz ang director of photography.


Nakatakdang ipalabas ang Crosspoint sa October 16 in cinemas.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page