ni Beth Gelena @Bulgary | Sep. 27, 2024
Si Kim Chiu ang nanalong Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards (SIDA). Binati si Kim ng kanyang co-star na si Paulo Avelino, “Congratulations.”
Pabirong sagot ni Chinita Princess, “Wew nemen! Thank you, Papi! Ay, Pau pala! Hihihi, watch ka, ito link.”
Trending ang naging sagot ni Kim na nagdulot ng kilig sa mga tagahanga. Marami ang gustong magkatuluyan ang tambalang KimPau at inaabangan nila ang magiging “end game” ng kanilang chemistry.
Sey naman ng mga fans:
“Congratulations lang pero ‘yung kilig namin, nakakahimatay. We love you, KimPau (Kim at Pau).”
“Hoy! Papi but kinilig ako, grabe kayo, KimPau. Diyos ko po, umaabot ang kilig ko sa universe.”
Aba, kung ang tawag ni Kim kay Paulo ay ‘Papi’, ‘Mami’ naman ang tawag ni Paulo sa aktres?
Hmmm… ito na kaya ang terms of endearment ngayon ng KimPau?
Puwede na ba nating isiping sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay magdyowa na?
NAGSALITA na ang anak na babae ni Kim Atienza na si Emmanuelle ukol sa nag-viral na P123,000 dinner bill.
Sa kanyang TikTok, sinagot niya ang backlash na ipinupukol sa kanya at sa mga kaibigan.
Ang controversial na “Guess The Bill” challenge video showed that one of their friends paid for a P123,000 dinner bill.
Nadismaya ang mga nakapanood ng video dahil ipinangangalandakan daw ng mga ito ang kanilang yaman.
Nag-upload si Emman ng panibagong video sa TikTok, kung saan sinagot niya ang namba-bash sa kanilang magkakaibigan.
Esplika ni Emman, “It was stupid to have to address the deleted TikTok video.”
Aniya, katuwaan lang ang naturang video dahil ang totoo, binayaran ng agency ng kaibigan niya ang kinain nila at nilibre lang sila rito.
Tanong ni Emman sa mga netizens, “Hypothetically if you won P1 million, are you gonna immediately be giving all of your 1 million pesos to everyone around you?”
Matapang pa niyang sabi, kung galit daw sa kanya ang mga tao dahil mayaman siya o sila, then they need to do the same for everyone else.
Komento naman ng mga netizens na nakapanood sa bago niyang post:
“Kasalanan na po kasi ngayon na maging mayaman."
“This is an insane statement to make.”
“You are indeed Felicia’s daughter! So eloquent yet stern!”
“ON POINT, EMMAN!! They are hating on you because your social media presence is growing. Lahat na lang, binibigyan ng meaning.”
“Anak ka nga ni Kuya Kim.”
“‘Di ko gets bakit ginawang issue kung ganu’n man kataas ang bill nila sa resto? Sila naman magbabayad nu’n, Hahaha!”
Ano’ng sey n’yo, mga Ka-Bulgar?
Comments