top of page
Search
BULGAR

Buking na naka-couple shoes sila ni Anthony, GF todo-emote sa post… MARIS, TINAWAG NA BOYFRIEND SNATCHER

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 3, 2024



Showbiz News

Sinugod na nga ang Instagram (IG) ni Maris Racal ng mga bashers dahil sa cryptic post ni Jam Villanueva, na hindi pa malinaw kung break na ba talaga sila ni Anthony Jennings o nagseselos lang siya kay Maris.


Walang kinalaman kina Anthony at Jam ang post ni Maris na “back 2 back 2 back 2 back,” at ang bashers lang ang nagkonek at nag-open ng isyu. 


Tinanong si Maris sa mga ini-repost ni Jam, pero fan ng aktres ang sumagot na pa-victim ang GF ni Anthony at ginawa na rin ito sa isang na-link din sa aktor.


Ang daming negative at hate comments kay Maris at tinawag siya ng kung anu-ano, but in fairness to her, hindi idine-delete ang mga comments kahit may tumawag sa kanyang “snatcher ng boyfriend” at may naghihintay ng sagot niya sa ex ni Anthony.


Well, may nagtanong pa kung bakit couple shoes ang suot nila ni Anthony habang namamasyal sa Italy after ng taping ng Cycle 2 ng Incognito. Ginawang batayan ang pagkakapareho nila ng rubber shoes para sabihing sila na ni Anthony, para bang bawal magkapareho ng sapatos ang dalawa.


Marami rin ang nagtatanggol kay Maris, hayaan na lang daw niya ang mga bashers, basta siya, may career at pera, samantalang ang mga bashers niya ay mga nakanganga. 


Samantala, may mga nalungkot para kay Maris, hindi raw nito deserve ang sobrang bashing at pinayuhan si Anthony na magsalita at sabihin ang estado ng relasyon nila ni Jam.


Ipagtanggol na rin daw nito si Maris sa mga nag-aakusang inagaw siya nito kay Jam. Kawawa raw si Maris Racal, siya ang bina-bash ng mga netizens, gayung hindi pa nila alam ang totoong nangyari.    

 

Nakakatuwa ang press sa launching ng BingoPlus Pinoy Drop Ball, sa halip na pag-interesan ang ayos ni Maine Mendoza at usisain kung ano ang suot na damit, mas inunang tanungin kung may umbok ba ang tiyan nito. 


Kapag may umbok ang tiyan ng misis ni Cong. Arjo Atayde, ibig sabihin, buntis ito.

Kaya lang, tama ang sinabi ni Arjo sa kanyang Thanksgiving dinner, hindi pa preggy ang kanyang wifey. 


Sayang at hindi nagtagal si Maine sa nasabing BingoPlus event, hindi na siya naabutan ng iba pang press people gaya namin.


Nakita na lang namin sa photos na wala nga siyang baby bump, hindi pa yata sila ready ni Arjo na magka-baby, kaya hayaan muna natin sila na i-enjoy na silang dalawa muna. Pasasaan ba’t magbubuntis din si Maine.


Sa ngayon, busy muna sila ni Arjo at Maine sa kani-kanyang career.


Si Maine nga ay endorser pa rin ng BingoPlus at in-introduce nga ang bagong game na ‘Pinoy Drop Ball’. ‘Kaaliw itong laruin kahit simple lang at mas madalas, nananalo ang naglalaro. Wala nga yatang umuwi sa press na hindi nanalo, lahat may bitbit na prize.


Simpleng laruin ang ‘Pinoy Drop Ball’ at kaya ito stand-out dahil ang thrill sa pag-aabang sa mapapanalunan. Ang sarap maglaro, kaya kung may chance kayong maglaro, try n’yo na.


 

KABILANG sa mga nag-file ng candidacy para sa 2025 midterm elections ay si Quezon City Councilor Alfred Vargas. Muli siyang tatakbong konsehal sa 5th District ng Quezon City.


Pahayag ni Alfred, “May the Almighty continue to guide me in this whole journey. My unwavering gratitude and love to all my supporters through the years, through thick and thin. You are my inspiration.


“To my lucky charm and source of strength, my wife Yasmine, thank you for always being with me in all my battles. I love you.


“To the QCitizens of Novaliches, mahal na mahal ko kayo!”

Inilatag na rin ni Alfred ang kanyang credentials para wala nang magtanong kung ano ang ginagawa niya sa pulitika. Nagtapos siya ng AB Management Economics in Ateneo de Manila University (ADMU). Tapos din ng Master of Public Administration sa UP NCPA at tatanggapin ang Diploma on Urban and Regional Planning, sa UP Diliman pa rin.


Umupong konsehal, naging congressman, bumalik sa pagiging konsehal at ang posisyong ito ang muli niyang tatakbuhan sa 2025 elections.


 

                                                                             

SA halip na nakaugaliang presscon, dinala ng TV5 ang cast ng bago nilang morning series na Ang Himala Ni Niño (AHNN) sa Camarin Elementary School at doon ginanap ang ‘Back to Eskwela’ Grand Activity. 


Nanguna sa kasiyahan ang lead child actor na si Zion Cruz na mainit na tinanggap ng mga estudyante ng nasabing paaralan, nagkaroon ng exciting performances, contests, at iba’t ibang activities na may temang kindness, love, at hope. 


Dumalo rin ang parents ng mga estudyante na lalong nagbigay-diin sa importance ng pamilya at mabuting asal na isinusulong ng AHNN.


Nagkaroon din ng Quiz Bee Challenge for Grade 1, 3 at 5 students; may Poster Making Challenge for Grade 5 students with its theme “Basta May Pagmamahal,


May Himala sa Araw-Araw” at Slogan Making Contests with its theme “Kabutihan at Pag-asa.”


Kasama ni Zion sa event sina K Brosas, Dawn Chang, Jay Gonzaga, Achilles Ador, Kenneth Mendoza, Kych Minemoto, Paulo Angeles, Queenay at Carmi Martin.

Ang series ay mapapanood sa TV5, Monday to Friday, 11: 15 AM.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page