ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 2, 2025
Photo: Ashley Ortega at Mavy Legaspi - Instagram
Pinagpipiyestahan ngayon ng ilang netizens ang viral TikTok video ng pagsa-shopping nina Mavy Legaspi at Ashley Ortega sa mall, na ayon sa caption, spotted sila sa Rockwell, Makati.
Kaswal lang na nagsa-shopping ang dalawa at in fairness, ‘di sila feeling-sikat na naka-face mask, shades o balot na balot ang mukha kapag nasa public place.
Naintriga lang ang ilang netizens dahil makikita sa video na mga gamit sa bahay ang isina-shopping nina Ashley at Mavy tulad ng isang malaking unan na binili nila.
Tanong tuloy ng ilang nakapanood ng viral TikTok video, nagli-live-in na raw ba ang dalawa dahil parang pang-bagong mag-asawa na ang pagsa-shopping nila?
Hmmm… if ever ganu’n nga, ‘di naman na minor sina Mavy at Ashley na 24 at 26 yrs. old na respectively.
Pero gusto rin naming bigyan ng benefit of the doubt ang dalawa dahil isang unan lang naman ang binili at hindi pang-couple, kaya baka para lang ‘yun kay Ashley.
Marami lang talaga ang advanced mag-isip sa mga Pinoy, hahahaha!
Kasama sina Robin, Jinggoy, Lito, Pacquiao atbp.
BONG, NAGSALITA NA SA PAG-AYAW NI COCO NA IDIREK SILANG MGA SENADOR SA MOVIE
Astig ang image ng aktor-senador na si Bong Revilla, Jr. bilang action star, pero emosyonal din pala ito at may pagka-iyakin.
Sa get-together kasing ipinatawag ni Sen. Bong kahapon sa Victorino’s Resto sa QC, bago pa nagsimula ang Q&A sa re-electionist senator, nagbitaw ng pahayag ang long-time manager ng aktor-pulitiko na si Lolit Solis.
Sabi ni Manay Lolit, “Kahit ano pang sabihin ng iba, alam kong napakabuting tao ni Bong. Kaya kahit mahina na ako ngayon, I will take the bullet para protektahan siya sa mga mang-aaway sa kanya.”
Ayun, namula ang mata ni Sen. Bong at nagpunas ng luha at nag-dialogue ng “Pinaiiyak mo naman ako, Nanay, eh.”
Naniniwala naman kami sa sinabi ni Manay Lolit dahil kung iisipin mo, sa dami ng pinagdaanang pagsubok ni Sen. Bong, kung hindi siya mabuting tao, hindi naman siguro siya pagkakatiwalaang makabalik sa Senado nu’ng tumakbo siya nu’ng 2019.
At take note, ‘yun ‘yung panahong bumabangon pa lang siya matapos makasuhan pero pinakawalan din dahil naabsuwelto sa mga ikinaso sa kanya.
Ngayong muli siyang tumatakbo sa pagka-senador, sabi nga ni Sen. Bong, ibang-iba na ang reception sa kanya ng mga tao, lalo na ng mga senior citizens na todo-pasalamat sa kanya dahil sa kanyang Expanded Centenarians Act kung saan ang mga aabot sa 100 years old ay makakatanggap ng P100,000.
At sabi pa nga ni Sen. Bong, kung sakaling papalarin pa siyang muli, balak pa niyang itaas sa P1 milyon ang puwedeng matanggap ng mga lolo’t lola na aabot sa 100 years old. So bongga, ‘di ba?
Samantala, tinanong namin si Sen. Bong kung advantage o disadvantage ba para sa kanya na marami na silang celebrities ngayon na tumatakbong senador, unlike noon na iilan lang sila kaya nga nag-No. 1 pa siyang senador nu’ng 2010.
Bukod kasi kina Sen. Robin Padilla, Sen. Lito Lapid, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Manny Pacquiao, kumakandidato rin sa unang pagkakataon bilang senador sina Willie Revillame, Erwin Tulfo at Phillip Salvador.
Obyus na ayaw nitong maka-offend kaya ayaw sagutin ang tanong. Besides, ang mga botante pa rin naman daw ang pipili ng ilalagay nila sa Senado.
Basta siya raw, ginagawa niya ang kanyang trabaho para hindi mahusgahan na “Budots” dance lang ang alam niya kundi may maipagmamalaki siyang mga batas na ginawa habang nasa puwesto.
Kinumusta rin namin kay Sen. Bong ang matagal nang planong pagsasama-sama nila sa pelikula ng mga kapwa niya action stars na sina Sens. Robin, Jinggoy at Lito, kasama sina Kuya Ipe, Manny Pacquiao at Cesar Montano na mala-Expendables.
First time mangyayari ang ganitong pagsasama-sama nila kaya interesting at exciting talagang makita silang lahat sa iisang pelikula na posibleng mag-box office kung isasali sa MMFF this 2025.
Sagot ni Sen. Bong, “Yeah, why not, why not? ‘Di ba dapat magsasama kami? Meron lang nangyari na gulo, pero mangyayari pa rin ‘yun.”
True ba na kaya ‘di natuloy ang movie ay dahil ayaw daw silang idirek ni Coco Martin? Nai-star struck daw kasi ito dahil puro big stars at haligi nga ng movie industry ang mga bibida sa movie.
Natatawang sagot ni Sen. Bong, “Hindi naman totoo ‘yun. Hindi naman siya ang magdidirek nu’n. Mabait na bata si Coco. So, alam ko,malaki ang naitutulong niya sa mga kasamahan natin sa industriya.”
So, ‘yun na!
Comments