top of page
Search
BULGAR

Buking na may bf ang silahis na mister, gusto nang makipaghiwalay

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | October 10, 2022


Dear Sister Isabel,


Gusto kong magpatulong sa inyo tungkol sa asawa ko na may dalawang pagkatao. Silahis siya, kumbaga, puwede sa lalaki at puwede rin sa babae. Noong una ay hindi ko nahalata, pero nang tumagal ay napansin ko na.


Dahil d’yan, parang hindi ko na kayang tanggapin ang pagkatao niya nang nahuli ko siya na may dyowang lalaki. Nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya kahit pa pagdating sa relasyon namin ay lalaking-lalaki naman siya.


Nanlalamig na ang pag-ibig ko sa kanya, kaya parang gusto ko nang makipaghiwalay. Parang hindi ko na kayang makisama sa lalaking may dalawang pagkatao.


Ano sa palagay n’yo ang dapat kong gawin? Hihintayin ko ang inyong kasagutan.


Nagpapasalamat,

Evelyn ng Tarlac



Sa iyo, Evelyn,


Kung sa palagay mo ay hindi mo na talaga kayang makisama sa kanya, hiwalayan mo na siya. Mahirap naman kung napipilitan ka na lang na tanggapin ang pagkatao niya, gayung ang sabi mo ay nanlalamig ka na sa kanya. Marahil ay mauunawaan naman niya ang dahilan kung sasabihin mo na gusto mo nang hiwalayan siya.


Gayunman, mahirap din kasing baguhin ang natural. Kung ganyan ang pagkatao ng asawa mo, hindi na ‘yan magbabago, kaya dapat lamang na kausapin mo siya nang masinsinan at ipagtapat ang nasa kalooban mo.


Umaasa akong magkakaintindihan kayo. Uunawain ka niya at bibigyan ng kalayaan.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page