ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 30, 2020

Viral sa social media ang simple addition, pero mali ang naging sagot ni Julia Barretto.
Magkasama ang magkaibigang Julia at Marco Gumabao sa isang video. Idini-discuss nila na kukuha sila ng tig-dalawang fans nila na ige-guest sa kanilang YouTube channels – dalawa kay Julia at dalawa rin kay Marco.
Agad na nag-compute ang actress na apat daw silang lahat.
“Two from my fans, two from yours, so apat tayong mag-iinuman,” sey niya kay Marco.
Agad namang ikinorek ni Marco ang kaibigan at sinabi niyang six ang overall total dahil kasama pa raw silang dalawa.
“Simple Math, Julia,” sambit ng aktor.
Nag-isip naman ang aktres at natawa.
Para hindi mapahiya, agad na bumuwelta si Julia, “Buti na lang ang ganda ko!” aniya.
Comments