ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 3, 2023
Dahil sa tagumpay ng pelikulang Maid in Malacañang at Martyr or Murderer, balitang isang Japanese businessman ang balak gumawa ng pelikula na based sa life story ng dating First Lady Imelda R. Marcos.
Isang dating TV executive ng malaking network ang hahawak sa production ng Japanese producer. Ang nasabing TV executive ang kukuha ng mga artista, direktor, staff and crew ng production company.
Sanay na sanay sa movie and TV production ang nasabing TV executive kaya tiyak na magiging madali ang lahat sa pagsisimula ng The Imelda Marcos Life Story.
Balita rin namin, ang singer na si Imelda Papin na close sa Marcos Family ang balak kunin upang gumanap na Madam Imelda Marcos.
Bongga tiyak kapag natuloy ang project na ito.
Samantala, may mga nagtatanong kung sa part 3 ng Maid in Malacañang, ang Mabuhay, Aloha, Mabuhay ay kasama pa rin ang role ni Ruffa Gutierrez bilang si Imelda Marcos.
Tiyak kasing wala na si Cristine Reyes dahil si Eula Valdez na ang gaganap bilang Sen. Imee Marcos.
Wala na rin ang character ni Cesar Montano bilang si Apo Ferdie.
Ang character nina Manang Biday (Beverly Salviejo) at Manang Lucy (Elizabeth Oropesa), tiyak na kasali pa rin dahil kasama sila ng pamilya Marcos sa Hawaii.
Bongga ang gaganap bilang si Bongbong Marcos, ang magaling na aktor na si Aga Muhlach.
Tiyak na mas malaki ang production cost ng Part 3 dahil big stars ang nasa cast. For sure, milyones ang talent fee ni Aga Muhlach, ganoon din ni Eula Valdez.
Ano kaya ang magiging twist ng istorya sa Part 3? Ano'ng diskarte ang gagawin ni Direk Darryl Yap sa Mabuhay, Aloha, Mabuhay?
Komentar