top of page
Search
BULGAR

Buhay at gumagalaw pa... Bulate na may 3-pulgada ang haba, nakita sa utak ng tao

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 10, 2023



Bulate sa tiyan, oo, pero sa utak at buhay pa, talaga ba?!!


Nagulat ang mga doktor sa Australia sa natuklasang buhay na bulate sa utak ng isang babaeng pasyente.


Simula taong 2021, ginagamot na ng mga doktor ang 64-anyos na babae gamit ang steroid at iba pang gamot para sa pneumonia, pananakit ng tiyan, pagtatae, tuyong ubo, lagnat at pagpapawis tuwing gabi.


Pagsapit ng 2022, nagpakita rin siya ng mga sintomas ng depresyon at pagiging makakalimutin, kaya nagsagawa ang mga doktor ng isang MRI scan sa kanyang utak, at may nakitang abnormalities na naging dahilan upang magrekomenda ang mga doktor ng operasyon.


Hanggang sa madiskubre ng surgical team ang 3-pulgada at mapulang bulate o Ophidascaris robertsi na karaniwang makikita sa ahas, at hindi sa tao. Posible umanong ito ang unang pagkakataon.


Ang partikular na roundworm na ito ay matatagpuan sa mga carpet python, isang malaking species ng constrictor na endemic sa Australia, Indonesia at Papua New Guinea.


Hindi pa matiyak ng mga doktor kung paano nakapasok ang bulate ng ahas sa katawan ng babae. Wala umano siyang direct contact sa mga ahas, bagama't naninirahan siya malapit sa isang lawa kung saan maraming ahas.


Ayon sa mga eksperto, posibleng ang mga itlog ng bulate ay nasa ilang halaman na nakakain o kilala bilang New Zealand spinach na kinokolekta ng babae para sa pagluluto.


Dahil wala pang taong na-diagnose na may ganitong parasitic infection, kinailangan ng mga doktor na i-adjust ang gamutan ng pasyente sa loob ng ilang buwan upang gamutin ang kanyang mga sintomas.


Ang kauna-unahang impeksyon na ito ay nagpapakita kung paano ang mga sakit na dating matatagpuan lamang sa mga hayop ay mabilis na lumilipat sa mga tao.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page