ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 26, 2024
Nananatiling nasa ilalim ng 'tornado watch' ang Mississippi hanggang 2 ng madaling-araw nitong Martes.
Kasalukuyang sinasalanta ng mga bagyo estado, na nagdudulot ng matinding pag-ulan at pinsala ng hangin. Maaaring magkaroon ng ulan na umaabot mula 1 hanggang 3 pulgada sa maikling panahon, at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagbaha sa mga lugar.
Dahil sa malakas na puwersa ng hangin, posibleng magkaroon ng mga buhawi na dadami pa sa loob ng mga bagyong ito.
Inaasahang matatapos ang masamang panahon sa hatinggabi ng Martes.
Noong Marso 24 ng nakaraang taon, matatandaang kinumpirma ng Federal Emergency Management Agency na 25 katao ang namatay sa Mississippi habang 55 iba pa ang nasugatan matapos ang isang malakas na buhawi ang sumalanta sa lugar, na nagdulot ng pinsala o pagkasira sa humigit-kumulang na 2,000 na tahanan.
Comments