ni Julie Bonifacio - @Winner | November 7, 2021
Patol to the max ang dating child star na si Bugoy Cariño sa mga panlalait sa kanyang partner na volleyball player na si EJ Laure.
Ipinost mismo ni Bugoy ang mga mapanlait na salitang itinawag kay EJ ng mga netizens.
Mukha raw bakla, hitsurang nanay na, walang laman at parang pader si EJ.
Sagot naman ng aktor, “Okey na 'yung ganyan kesa sa ibang babae na puro ganda at laki ng osus (read: suso) lang laban,” comment-post ni Bugoy sa kanyang socmed.
Puro paganda at kaartehan lang daw ang alam ng ibang babae.
“At least si EJ, marunong sa mga gawaing bahay, madiskarte. Higit sa lahat, loyal. Baka 'yung mga nagko-comment d'yan, 'yung mga jowa n'yo, walang alam sa buhay.”
Comment pa ni Bugoy, “Sa panahon ngayon, hindi mo kailangan magjowa ng mahitsura o malaki cocomelon. Mas masarap mahalin 'yung madiskarte at hindi maarte, siyempre loyal.”
Dahil sa mga sinabi ni Bugoy, para na rin daw inamin nito ang mga ibinabatong pintas kay EJ.
“Oo nga. It's mean 'pag nilait mo ang sarili mong jowa (kahit hindi mo sinasadya). Like, keep it to yourself. Ang panlalait, i-save 'yan 'pag nag break-kayo o 'pag nag-cheat."
Naku, pati tuloy ang pangalan ni Bugoy, nasisi ng mga netizens.
“Bakit kasi may mga taong pinapangalanan ang mga anak nila ng BUGOY?! Hindi ba nila alam na ang ibig sabihin ng BUGOY, eh, mahina ang ulo o mabagal ang utak!?”
“BUGOY TALAGA!”
May nag-point out din na ang isyu raw talaga ay ang agwat ng edad ni EJ kay Bugoy.
“Actually, 'yung pagiging child groomer ni EJ 'yung talagang issue ng mga tao.”
Nasa edad 15 lang daw si Bugoy nu’ng mabuo ang unica hija nila ni EJ na si Scarlet.
“Tama naman ang term na grooming dahil may emotional manipulation involved at power imbalance sa dynamics ng relationship nila. Ipinagpipilitan pa ni EJ noon na friends lang sila when he was 15 and she was 20 — a fully grown adult. She acted like a trustworthy friend and confidant to him for her own gain. She's an adult, she should've known better regardless of his feelings. Sincerely, someone who wrote a thesis on child exploitation and grooming.”
Taray!
May explanation pa sila, ‘di ba?
Comments