top of page
Search
BULGAR

Bugbog sa experience si Rigo, mag-ingat si Casimero

ni Gerard Peter - @Sports | July 14, 2021



Matinding paghahanda kontra sa istilong Cubanong boksing ang pinaghahandaang pirme ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion “Quadro Alas” John Riel Casimero para sa makakaharap na si WBA (regular) titlist Guillermo “The Jackal” Rigondeaux sa Agosto 14 sa showtime televised main event sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.


Ito marahil ang malaking dahilan para tapikin ng 31-anyos mula Ormoc City ang dating Mexican discuss thrower na si Memo Heredia upang maging strength and conditioning coach dahil sa kaalaman nito sa mga Cuban boxers gaya nina WBA (Super World) welterweight champion Yordenis “54 Milagros” Ugas at dating IBF lightweight titlist Rances Barthelemy.


Tinutulungan ng 45-anyos na four-time Mexican Athletics Championship gold medalist ang 3-weight division titlist na gabayan kontra sa 40-anyos na 2-time Olympic champion, kasunod ng minsang naunsyaming laban kay Rigondeaux para magbigay daan kay WBC title holder “The Filipino Flash” Nonito Donaire, ngunit sa bandang huli ay sila rin muli ang pagtatapatin matapos hindi magkasunod sa doping programs.


At first, we were working first against Rigonadeaux before Nonito came into the picture, but then that fight falls through and now Rigondeaux comes back again. We had to make some adjustments, but Casimero will come in there with a good physical platform, because we know Rigo is a great boxer, technical and intelligent,” wika ni Heredia kay writer George Ebro.


Kinakailangan umano na mas mag-ingat ni Casimero kontra sa Cuban boxer na simula bata pa lamang ay lumalaban sa amateur ranks, kung saan kabalikat nito ang gintong medalya sa 2000 Sydney at 2004 Athens Olympics. Aminado si Heredia sa lakas at built ng pangangatawan ni Casimero, subalit dapat na paghandaan ng Filipino fighter ang pagiging mautak ni Rigondeaux, na gaya ng ibang Cuban boxers ay hindi ito nakikipagsabayan ng banatan, bagkus ay madalas itong umiiwas sa dikitan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page