top of page
Search
  • BULGAR

Budget sa new Senate bldg. kung ibinigay sa DSWD, 3M mahihirap pa sana ang nakinabang

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 5, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SANA PATI MGA MEAT AT VEGETABLE IMPORTER NA SMUGGLERS, I-BLACKLIST NG DEPT. OF AGRICULTURE -- Nais ng Dept. of Agriculture (DA) na i-blacklist ang mga fish importer na sangkot sa fish smuggling sa Pilipinas.


Aba teka, bakit mga fish importer lang na sangkot sa smuggling ang iba-blacklist? Sana pati mga meat at vegetable importer na sangkot din sa smuggling ay isama na sa iba-blacklist ng DA kasi may impormasyon na hanggang ngayon ay patuloy ang meat smuggling ni “Teves” at agri-smuggling ni “Leah” sa Customs, period!


XXX


TAMA ANG DESISYON NG COMELEC NA HUWAG NANG MAGDAOS NG SPECIAL ELECTION SA IIWANG PUWESTO NI ANGARA KASI BAKA ANG MANALO MASIBA SA PORK BARREL -- Tama ang desisyon ni Comelec Chairman George Garcia na huwag nang magdaos ng special election para sa babakantehing posisyon ni Sen. Sonny Angara na itinalaga ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) bilang bagong kalihim ng Dept. of Education (DepEd) kapalit ng nag-resign na si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.

Una, sayang ang pera ng bayan sa isang posisyon na pagbobotohan ng mamamayan, at pangalawa, baka ang manalo ay nagpapanggap na public servant, iyon pala masiba sa pork barrel, boom!


XXX


‘YUNG P21 B BUDGET SA NEW SENATE BLDG. ‘NILALANG-LANG’ LANG NI SEN. NANCY BINAY -- Isa si Sen. Nancy Binay sa bumoto para sa pagpapagawa ng New Senate Building sa Taguig City kaya todo-pagtatanggol siya sa proyekto nilang ito na ayon sa kanya ay fake news daw ang sinasabi nina Senate Pres. Chiz Escudero at Sen. Alan Cayetano na aabutin ng higit P23 billion ang gastos sa mala-palasyong gusaling ito, kasi ang totoo raw ay nasa P21 B lang daw ang magagastos dito.

Ganu’n, ‘yung P21 B ay “nilalang-lang” lang ni Sen. Nancy, pwe!


XXX


KUNG ANG IBINADYET SA NEW SENATE BLDG. IPINAGKALOOB SA AICS NG DSWD HIGIT 3 MILYONG MAHIHIRAP NA PINOY SANA ANG NAKINABANG -- Noong February 2024 ay inanunsiyo ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na ‘yung P40.9 billion Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) fund ay naipamahagi na nila bilang ayuda sa higit 6.5 milyong mahihirap na Pinoy sa bansa.

Kung sana ay iyong P21 B o P23 B na ipinangpondo ng Senado sa New Senate Building ay ipinagkaloob nila sa AICS ng DSWD, eh ‘di sana ay higit 3 milyong mahihirap na Pinoy pa ang nakinabang, at hindi 24 na senador lang mabibiyayaan sa ipinagagawa nilang mala-palasyong tanggapan ng mga senador sa Taguig, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page