top of page
Search
BULGAR

Bubuo na ang Gilas women ng malakas na team pa-SEAG

ni VA - @Sports | May 21, 2021




Uumpisahan na ng Gilas Pilipinas Women ang pagbuo ng isang malakas na koponan na isasabak sa mga darating na international tournaments gaya ng FIBA Women’s Asia Cups at 31st Southeast Asian Games. Kabalikat ang Fil-Am Nation Select, magdaraos ang Gilas Women’s ng tryout para sa seniors’ squad sa Hunyo 4-5 sa La Verne, California. “Partnering with Fil-Am Nation allows for us to build a connection; and most importantly, relationship with the Fil-Am coaches and, of course, players so that we can build a bridge, and more players would be eligible to play for their country,” pahayag ni Gilas Women’s head coach Patrick Aquino. Nasa Estados Unidos ngayon si Aquino para tulungan si Jack Animam na maiayos ang pagti- training nito sa East West Private. Pangungunahan ang kabuuang 27 players na inimbitahan para lumahok sa tryout nina Mai-Loni Henson at Chanelle Molina.

Kabilang sa paghahandaan ng Gilas Women's ang darating na FIBA Asia Women’s Cup na nakatakdang ganapin sa Setyembre 26-Oktubre 3; ang FIBA 3×3 Asia Cup at 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa Nobyembre. Naimbita rin sa tryout sina Ella Fajardo at ang Sacramento State product na si Gabi Bade gayundin ang mga centers at power forwards na sina 6-foot Lexi Marks ng Boise State; 5-foot-10 Malia Bambrick ng Pepperdine; 5-foot-10 Kiera Oakry ng UC San Diego; 5-foot-10 Kayla Revelo ng University of Hawaii-Hilo at 5-foot-9 Kayla Padilla ng Pepperdine. Ang iba pang mga inimbita ay sina Vanessa De Jesus ng Duke, Aurea Gingras ng George Washington, Mel Isbell ng New Mexico State, Lei McIntosh ng UC Berkeley, Gabby Rones ng Nevada, Angie Villasin ng North Park, Jessica Malzarte ng Frezno Pacific, Janelle Ganer ng St.Thomas, Lynette Garon ng Southwest at iba pa.

Samantala, inaasikaso ng Fil-Am Nation founder na si Cris Gopez ang mga kinakailangang "compliance requests" para sa bawat player dahil ayon sa isinasaad ng NCAA rules na kailangan munang aprubahan ng kanilang eskuwelahan ang partisipasyon ng kanilang student-athlete sa national team tryouts.

0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page