ni Jasmin Joy Evangelista | February 1, 2022
Nagpositibo sa COVID-19 at sumailalim sa operasyon dahil sa kanyang acute apendicitis ang BTS member na si Jimin, ayon sa kanyang agency na Big Hit Music nitong Lunes.
Si Jimin, na may full name na Park Ji-min, ay nagtungo sa ospital noong Linggo matapos makaranas ng pagsakit ng tiyan at may mild sore throat, batay sa pahayag bg Big Hit Music.
Nagpositibo siya sa COVID-19 at kasunod nito ay isinagawa rin ang operasyon noong Lunes.
“The surgery was successful and Jimin is currently recuperating after his procedure,” ani Big Hit Music, kung saan sinabi ring kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19 ang BTS member.
Nakatakda ring sumailalim sa ilang araw na in-patient treatment sa COVID-19 at postoperative care ang singer.
Si Jimin, 26, ay ang ikaapat na miyembro ng grupo na nagpositibo sa COVID-19.
Comments