top of page
Search
BULGAR

BSP nagbabala sa pekeng pera sa mga ATM

ni Jasmin Joy Evangelista | January 27, 2022



Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na palaging suriin ang perang na-withdraw sa automated teller machines (ATMs) para maiwasang mabiktima ng mga pekeng pera.


Sa advisory na inilabas ng BSP, nagpaalala ang central bank na suriin ang pera na mawi-withdraw batay sa “feel, look, tilt” upang malaman kung ito ay peke.


“Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit, the holder is advised to immediately report it to the bank that owns the machine,” pahayag ng BSP.


“The bank will then conduct a thorough investigation to verify whether the banknote was indeed dispensed by the bank’s ATM,” dagdag pa nito.


Sakaling ma-verify na peke ang perang hawak ng isang nag-withdraw, sinabi ng BSP na kailangan itong palitan ng bangko.


Ayon pa rito, lahat ng mga bangko ay gumagamit ng sapat na risk management measures para maiwasan ang mga ganitong insidente.


“Aside from the installation of cameras at ATM areas, cash handlers and service providers tasked to refill ATMs are trained to detect counterfeit banknotes or verify their genuineness before placing them in ATMs,” sabi ng BSP.


Sa ilalim ng Republic Act 10951, posibleng maparusahan ng hindi bababa sa 12 taon na pagkakulong at multang hindi hihigit sa P2 milyon ang sinomang mahuli na namemeke ng pera sa Pilipinas.


Mula Enero hanggang Setyembre noong nakaraang taon, nasamsam ng BSP ang mahigit 500 pekeng perang papel na may notional value na P480,000 kung saan ang pitong enforcement operations nito ay nagresulta rin sa pagkakaaresto sa 16 na suspek, 14 dito ay miyembro ng crime syndicates.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page