top of page
Search
BULGAR

BSP execs, nagsipag-utak ‘hayop’, mga bayani inalis, mga hayop ang inilagay sa mga bagong pera

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 24, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

BSP OFFICIALS, NAGSIPAG-UTAK ‘HAYOP’, ANIMALS ANG INILAGAY SA MGA BAGONG PERA, INITSAPUWERA ANG MGA BAYANI -- Pinutakti nang batikos ang mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa mga bagong pera na kanilang inilabas ay inalis na ang larawan ng mga bayani at ang ipinalit ay larawan ng mga hayop.


Mababatikos talaga, kasi imbes mag-isip ang mga taga-BSP kung sino pang mga bayani ang dapat ilagay sa pera bilang pagkilala sa mga kabayanihang ginawa nila sa ‘Pinas, eh ang nangyari pulos mga nagsipag-utak ‘hayop’ ang mga BSP official, larawan ng mga hayop ang inilagay sa mga ginawa nilang bagong pera, itsapuwera na ang mga bayani, mga pwe!


XXX


PAHIRAP NANG PAHIRAP ANG PAMUMUHAY NG MGA PINOY KAYA RESULTA, RATINGS NG 4 HIGH RANKING OFFICIALS NG ‘PINAS BAGSAK! -- Sa latest survey ng Pulse Asia ay bumagsak ang approval at trust ratings ng apat na high ranking officials ng Pilipinas, at ito ay sina Pres. Bongbong Marcos (PBBM), Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, Senate President Chiz Escudero at Speaker Martin Romualdez.


Babagsak talaga ang kanilang ratings kasi pahirap nang pahirap ang pamumuhay ng mga Pinoy, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, at wala silang ginagawa para iahon sa kahirapan ang mamamayan, period!


XXX


AKALA NI SPEAKER ROMUALDEZ TATAAS RATING NIYA SA MGA ATAKE NG KAMARA KAY VP SARA, PERO KABALIGTARAN, MAS LUMAGAPAK ANG KANYANG RATING -- Sa Pulse Asia survey na ito, sina VP Sara at Speaker Romualdez ang kapwa malaki ang ibinagsak ang rating.


Sa parte ni VP Sara, natural na babagsak ang kanyang rating dahil sa mga atake sa kanya ng Kamara na nag-iimbestiga sa kuwestiyonableng pagkaubos ng kanyang confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at sa Dept. of Education (DepEd) noong siya pa ang namumuno sa kagawaran.


Pero sa parte ni Speaker Romualdez, hindi man niya aminin ay masakit para sa kanya na malaki ang ibinagsak ng kanyang rating kasi inaakala niya na tataas ang kanyang grado dahil sa pag-iimbestiga ng Kamara sa sinasabing katiwalian sa confi funds ng OVP at DepEd, pero kabaligtaran ang nangyari, imbes na tumaas mas lumagapak ang kanyang rating, boom!


XXX


MALIGAYANG PASKO SA INYO AT SA ATING LAHAT! -- Mamaya po pagsapit ng 12:00 midnight o hatinggabi ay Dec. 25, 2024 na. Maligayang Pasko po sa inyo, at sa ating lahat!

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page