ni VA @Sports | March 11, 2024
Naisalba ni Filipino gymnast Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa Baku, Azerbaijan leg ng 2024 FIG Artistic Gymnastics World Cup Series matapos niyang magwagi ng bronze medal sa floor exercise noong Sabado - Marso 9.
Tanging sa finals lamang ng floor exercise nakaabot si Yulo kaya ibinigay nito ang kanyang makakaya upang magwagi ng medalya sa naitala niyang 14.366 points.
Pumangatlo si Yulo kasunod nina Yulo Yahor Sharamkou ng Belarus na siyang nanguna sa 8-man finals sa naitala nitong 14.933 points at Kazuki Minami ng Japan na siyang nag-uwi ng silver sa nakuhang iskor na 14.666 points.
Sumunod naman kay Yulo at pumuwestong pang-4 hanggang pang-8 sina Bulgarian gymnast Eddie Penev (14.166 points), South Korean Ryu Sung-hyun (14.133), Brazilian Yuri Guimaraes, (13.9), Croatian Aurel Benovic (13.833), at Ukrainian Illia Kovtun (13.366)
Dahil sa naturang bronze medal finish, nakaiwas na mabokya si Yulo pagkaraang mabigong idepensa ang kanyang vault at parallel bars titles na napanalunan niya noong nakaraang taong World Cup.
Ang nasabing bronze medal ay pang-anim na ni Yulo sa World Cup Series bukod pa sa apat na gold at tatlong silver medals.
Bilang paghahanda sa Paris Olympics, nakatakdang sumabak si Yulo sa Doha, Qatar leg ng World Cup Series sa Abril.
Comments