ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 18, 2024
Mga sismars, here we go again with the Senate pasabog! Noong Nobyembre 5, nagbigay ako ng sponsorship speech para sa Senate Bill No. 2816, at ang tea? Pahabain na ang 3-year term ng barangay officials at SK, gawin na itong 6 years — yes mga mare, hindi ito chismis, legit ito!
Bakit, kamo? Eh, baka ipabarangay na talaga tayo sa dami ng pinapasan nila! Ang 3 years? Haller, puh-lease! Hindi ‘yan sapat para matapos ang lahat ng pinaglalaban at proyektong sinimulan nila — kalerki talaga! Super bitin, as in!
Itong mga barangay captain at kagawad natin, sila ang mga certified frontline divas sa mga komunidad. All day, all night na dilat, talagang kailangan ng retouch pero wala na ngang time, wala pang pondo! Sila na nga ang first on the scene, sila pa rin ang last to leave. Over ‘di ba?! Ang plot twist? Imbes na sunud-sunod na elections na juicy sa budget, ilaan na lang ito sa mga proyekto para sa mga sangkabeshihan natin sa barangay. I mean, ‘di ba? Mas maraming paandar na proyekto, mas todo ang serbisyo, mas feel ng mga ka-village natin ang tunay na pagbabago!
So mga besh, ito na talaga — para sa isang mas maayos, mas fierce, at mas produktibong termino ng ating barangay leaders, gora na ‘to! Kasi naman, dasurv na dasurv nila ang spotlight at suporta! Agree?
Commentaires