top of page
Search

Breath testing, dadalhin ng Go Negosyo sa ‘Pinas

BULGAR

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | September 29, 2020




Hello, Bulgarians! Pinag-uusapan na nina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, Israeli-based Terra Group at Black Seal Advisors ang paggamit ng breath testing sa bansa upang malabanan ang COVID-19.


Ayon kay Concepcion, marami ng paraan ang sinubukan, rapid antibody test kits, RT-PCR at pooled PCR, kaya naman, malaki rin umano ang potensiyal ng paggamit ng saliva at breath test na galing sa Israel.


Ang breath testing ay gawa ng BioSafety Technologies Ltd. sa ilalim ng Terra Group na sumisiyasat sa industrial application ng Terahertz (THz). Ang Black Seal Advisors ang tutulong upang makarating ang technology na ito sa Pilipinas.


“We are the choice of Israeli government for fast, rapid, cheaper test,” sabi ni Oren Sadiv, Chairman & CEO ng Terra Group.


Dagdag pa ni Sadiv, ang terahertz wave ay matatagpuan sa electromagnetic spectrum, ngunit ito ay “last uncommercialized segmentz” o mas lamang pa sa x-ray, infrared at UV technologies, combined!


Sa pamamagitan ng breath testing, malalaman agad sa loob lamang ng 1 o 2 araw kung ang tao ay positibo sa COVID-19. Kaya rin nitong mag-test ng halos 1,000-2,000 katao kada araw. Bukod pa rito, hindi na kinakailangan pang ma-expose ng mga medical frontliner habang nagte-test dahil madali lang itong gawin.


Kinakailangan lang humipan ng tatlong beses sa disposable breath testing tube at dito, malalaman na agad kung clear o suspected.


Bukod pa rito, dumaan na rin sa clinical trial ang BioSafety sa limang malalaking ospital sa Israel. Pagdating naman sa regulatory approval, mayroon na rin itong clearance mula sa US Food and Drug Administration at counterpart nito sa Israel noong July 2020.


Lubos itong sinuportahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Aniya, “We’re still looking for a cheaper and faster alternative to RT-PCR testing...Without efficient and cheap testing, we would not know who's afflicted with COVID, and we would not know who to track and treat,” he said. “[I] believe that anything and everything that would benefit the people should be utilized on a wide-scale basis.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page