ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 13, 2024
Simula sa Hulyo, maaari nang mag-avail ang mga kababaihan ng libreng mammogram at breast ultrasound tests taun-taon sa ilalim ng breast cancer prevention and detection package mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)
Sinabi ni Speaker Martin Romualdez noong Martes na ipinaabot sa kanya ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. ang impormasyon sa isang pulong.
Pinuri ni Romualdez ang PhilHealth para sa kanilang mabilis na aksyon at sinabing ito ang pinakamagandang balita na maaaring ibigay sa mga kababaihan sa Pilipinas, lalo na ngayong Women’s Month.
“Early detection is key in addressing various health concerns, and by removing financial barriers to these essential services, PhilHealth is helping to save lives and promote a healthier future for our women,” aniya.
Nagtaas din ang PhilHealth ng kanilang benepisyo para sa breast cancer, na kasalukuyang nasa P1.4 milyon mula sa dating P100,000.
Comments