ni Gerard Peter - @Sports | October 27, 2020
Napabilang sa mga bagong kaso ng mapaminsalang novel coronavirus disease (Covid-19) si Brazilian legendary striker Ronaldinho ng magpositibo ito sa naturang sakit, kung saan patuloy pa rin ang paglobo ng mga kaso ng impeksyon sa buong mundo.
Ilang araw lang matapos tamaan din ang football superstar na si Cristiano Ronaldo ng Portugal sa ikalawang pagkakataon, isa pang high-profile football star ang umamin sa pagkakahawa ng nakamamatay na virus at mananatiling nasa isolation ng isang hotel sa Brazil.
“I've been here in BH since yesterday, I came to participate in an event,” saad ni Ronaldinho sa kanyang Instagram. “I took the test and tested positive for Covid. I'm fine, asymptomatic, but we'll have to leave the event for later. Soon we will be there together. Big hug!” dagdag ng dating two-time FIFA World Player of the Year sa kanyang video messages sa Instagram.
Kabilang ito sa magulong taon para kay Ronaldinho kasunod ng pagkakakulong nito kasama ang kapatid na si Roberto Asis sa Paraguay nitong Marso ng pumasok ang mga ito sa bansa gamit ang pekeng passports. Dahil dito ay kinasuhan silang makulong sa isang hotel sa Paraguay noong Abril matapos ikasa ang 32-araw na pagkakakulong na nagtapos nitong Agosto. “It was a hard blow, I never imagined that I would go through such a situation,” wika ni Ronaldinho. “All my life I have sought to reach the highest professional level and bring joy to people with my football.”
Kinilala ang Brazilian footballer bilang isang iconic figure sa kasaysayan ng football na nagsilbi ng 17-taon ng paglalaro mula sa Brazilian national team, Barcelona at Barca, gayundin sa Gremio, Paris Saint-Germain, AC Milan, Flamengo, Atletico Mineiro, Queretaro at Fluminense.
Comments