top of page
Search
  • BULGAR

 Brazil tinalo Netherlands, sa Volley Nations League

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 19, 2024



Sports Photo

             

Mga laro ngayong Miyerkules – MOA

3:00 PM Alemanya vs. Pransiya

7:00 PM Iran vs. Estados Unidos

 

Salpukan ng magkapitbahay Alemanya at Pransiya ang tampok ngayong araw sa pagpapatuloy ng 2024 FIVB Men’s Volleyball Nations League (VNL) ngayong Miyerkules sa MOA Arena simula 3:00 ng hapon. Parehong pasok ang dalawang bansa sa Paris 2024 Olympics at hindi na kailangang lumakbay ng malayo ang mga Pinoy upang makasaksi ng mataas na kalidad ng laro.


Sa kartadang 6-2 panalo-talo at tumatakbong pang-apat, maganda ang tsansa ng mga Pranses na mapabilang sa walong quarterfinalist. Kukunin nila ang malaking hakbang kontra sa mga Aleman na nasa 3-5 at ika-11 sa 16 bansa. 


Isa pang koponan patungong Paris na Estados Unidos ay sasalang sa 7:00 ng gabi laban sa Iran. Kahit tatlo lang ang panalo sa walong laro tulad ng Alemanya, may pag-asa pa ang mga Amerikano na makapasok sa knockout quarterfinals habang kailangang walisin ng walang panalo at kulelat Iran ang kanilang nalalabing apat na laro at makisama ang iba pang resulta upang magkaroon ng maliit na pag-asa na makasingit sa playoff na gaganapin sa Poland mula Hulyo 27 hanggang 30.


Samantala, binuksan ng Brazil ang aksiyon nang talunin ang Netherlands kagabi. Tinatapos ang pangalawang laro sa pagitan ng Canada at Japan. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page